JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MNLF DISMAYADO SA PAGPAPALABAS  NG SANDIGANBAYAN NG WARRANT OF ARREST LABAN KAY MISUARI

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

DISMAYADO ANG KAMPO NG MORO NATIONAL LIBERATION FRONT O MNLF SA PAGPAPALABAS NG WARRANT OF ARREST NG SANDIGANBAYAN LABAN KAY CHAIRMAN NUR MISUARI.

SA PANAYAM NG DZRJ, SINABI NI MNLF LEGAL COUNSEL ATTY. EMMANUEL FONTANILLA DAHIL SA NAGING HAKBANG NA ITO NG SANDIGANBAYAN AY TILA NALAGYAN ANG BALAKID SA PAG-UUSAP NG MNLF AT GOBYERNO.

PATULOY ANIYA ANG PAG-UUSAP NG PANGULO AT NI MISUARI HANGGANG SA KASALUKUYAN KAYA HILING SANA NI FONTANILLA AY I-HOLD MUNA NG HUDIKATURA ANG NASABING WARRANT OF ARREST.

DAGDAG PA NI FONTANILLA, DAPAT ANIYA AY MAY KOORDINASYON SA HANAY NG GOBYERNO UPANG HINDI MAKAAPEKTO SA NEGOSASYON SA MNLF.

PAHIWATIG PA NITO, ANG PAGPAPAARESTO KAY MISUARI AY POSIBLENG MAGDULOT NG PANIBAGONG KAGULUHAN SA GITNA NA RIN NG NAGPAPATULOY NA BAKBAKAN SA MARAWI CITY.

Read 89 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.