JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TRILLANES ATTACK DOG AT PROPAGANDISTA - ATTY. MADRID

BY: JOJO SICAT

BINUWELTAHAN NG KAMPO NI DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE SI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV KUNG SAAN SINABIHAN ITO NA ISANG ATTACK DOG AT PROPAGANDISTA.

AYON SA ABOGADO NI VM DUTERTE NA SI ATTY. RAINIER MADRID NAGLALABAS SI TRILLANES NG MGA MALISYOSO AT WALANG BASEHANG ALEGASYON PARA SIRAIN SA PUBLIKO SI PAOLO AT MAGING ANG AMA NITO NA SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE.

ANIYA NI MADRID ANG MGA AKUSASYON NI TRILLANES AY PAWANG MGA KASINUNGALINGAN AT WALANG BASEHAN.

SINABI PA NG ABUGADO NI PAOLO NA LUMANG ISYU NA TUNGKOL SA BANK ACCOUNTS ANG INILABAS KANINA NI TRILLANES SA PAGDINIG NA MATAGAL NANG NASAGOT NG KAMPO NG PANGULO.

IGINIIT PA NI ATTY. MADRID NA NAMIHASA SI TRILLANES MATAPOS NA MAGTAGUMPAY NOON NA WASAKIN ANG DATING BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY KAYA MULING GINAGAWA ITO KAY PANGULONG DUTERTE.

DAGDAG PA NG ABUGADO NI VM DUTERTE NA HINDI SILA MAKAKAPAYAG NA IPAHIYA SA PUBLIKO NI TRILLANES SA PAMAMAGITAN NG PAGSAKAY SA MGA PROPAGANDA NITO NA PAWANG MGA KASINUNGALINGAN.

Read 395 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.