JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
CHARLIE TAN, KENNETH DONG AT VM PAOLO DUTERTE KAPWA MIYEMBRO NG TRIAD- TRILLANES

BY: JOJO SICAT

SA PAGPAPATULOY NG PAGDINIG NG BLUE RIBBON COMMITTEE UKOL SA P6.4 B SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BUREAU OF CUSTOM (BOC), IBINULGAR NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV NA SI DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO “PULONG” DUTERTE, CHARLIE TAN AT KENNETH DONG AY KAPWA MIYEMBRO NG MACAU- HONGKONG TRIAD.

ANIYA, KUNG MAIPAPAKITA NI PAOLO ANG TATTOO, MALALAMAN NA MIYEMBRO SILA NILA DONG AT TAN NG TRIAD NA POSIBLENG SANGKOT SA SMUGGLING AT ILLEGAL DRUGS.

SUBALIT HINDI PA RIN NAPIGA NI TRILLANES SI PAOLO NA IPAKITA ANG TATTOO NITO SA LIKOD.

SA NATURANG PAGDINIG, IBINUNYAG NI TRILLANES NA MIYEMBRO NG MACAU-HONGKONG TRIAD SI PAOLO AT ANG PAGPAPATUNAY DITO AY ANG TATTOO NITO SA LIKOD NA BASE SA INTELLIGENCE REPORT NA NAKUHA NI TRILLANES.

NAUNA NANG TUMANGGI SI VM DUTERTE NA IPAKITA SA PUBLIKO O SA PAGDINIG SA SENADO ANG TATTOO NITO KUNG KAYA’T HINAMON ITO NI TRILLANES NA KUNAN NA LAMANG NG LITRATO NG OFFICE OF THE SENATE SERGEANT AT ARMS (OSSAA) ANG LIKOD NI DUTERTE.

SA KABILA NITO, PATULOY PA RIN NA TUMANGGI SI PULONG AT IGINIIT ANG RIGHT TO PRIVACY.

 

Read 123 times Last modified on Thursday, 07 September 2017 14:54
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.