JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MIYEMBRO NG MAGNIFICENT 7 SA KAMARA, NANGHINAYANG SA PAGKAKABASURA NG KUMPIRMASYON NI PAENG MARIANO

BY: FELIX TAMBONGCO

BAGAMAT MAGKAIBA ANG IDIOLOHIYA, NANGHIHINAYANG SI IFUGAO REPRESENTATIVE TEDDY BAGUILAT SA PAGKAKABASURA NG KUMPIRMASYON NI DATING CONGRESSMAN RAFAEL “PAENG” MARIANO BILANG KALIHIM NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR).

AYON KAY BAGUILAT, NAKAKALUNGKOT NA ANG ISANG NAGMULA SA SEKTOR NG MAGSASAKA NA AGRESIBONG NAGSUSULONG NG MANDATO NG AHENSYA PARA MAKAMIT ANG PANLIPUNANG HUSTISYA AY NI-REJECT NG CA.

IPINAKIKITA LAMANG UMANO NA ANG TACTICAL ALLIANCE SA PAGITAN NG EXTREME LEFT GROUP AT NG PANGULONG DUTERTE BAGO AT MATAPOS ANG ELEKSYON AY NAPAKAHINA NG NAGING BATAYAN.

GANUN PA MAN, UMAASA ANG KONGRESISTA NA ANG MGA INISYATIBA NI MARIANO NA ILAGAY ANG MGA BENEPISYARYONG MAGSASAKA SA LUPANG KANILANG SINASAKA. 

UMAASA RIN SI BAGUILAT NA HINDI MARE-REVERSE ANG MORATORIUM NA IPINATUTUPAD NG DAR SA ISYU NG MORATORIUM SA KONBERSYON NG MGA PRIME AGRICILTURAL LANDS.

ISA RIN SA TINITINGNAN NI BAGUILAT ANG PAGKAKABASURA BA NG KUMPIRMASYON NI MARIANO AY PALATANDAAN NA TULUYAN NG ISINARADO NG PAMAHALAAN ANG PINTUAN PARA SA USAPANG PANGKAPAYAPAAN SA NATIONAL DEMOCRATIC FRONT (NDF).

Read 101 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.