JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DALAWANG GRUPO NG CUSTOM PLAYERS NA BINANGGIT NI LACSON, NAKAHARAP NA NI ATTY. ANDERSON

BY: JOJO SICAT

INAMIN NI BUREAU OF CUSTOM (BOC) OFFICE OF THE COMMISSIONER CHIEF-OF-STAFF ATTY. MANDY ANDERSON NA DALAWA SA BINANGGIT NA GRUPO NG PLAYERS SA CUSTOM NI SENADOR PANFILO LACSON AY NAKAHARAP NA NITO.

SA IKAPITONG PAGDINIG NG SENADO UKOL SA P6.4B SHABU SHIPMENT AT TARA SYSTEM, TINANONG NI SENADOR BAM AQUINO SI ATTY. ANDERSON KUNG MAY NAKAHARAP NA BA ITO SA LIMANG PLAYERS NA BINANGGIT NI LACSON.

AYON KAY ANDERSON, DALAWA SA LIMANG GRUPO NG MGA PLAYERS NA NABANGGIT AY NAGTUNGO NA SA KANÝANG TANGGAPAN AT ITO AY SINA KIMBERLY GAMBOA AT ISANG CUSTOM EMPLOYEE NA MIYEMBRO NG DAVAO GROUP.

SA PALIWANAG NI ANDERSON, SINABI NITO SA PAGDINIG NA NAKIKIUSAP SA KANÝA SI GAMBOA UKOL SA SHIPMENT NA NAGLALAMAN NG FLYWOOD O TILES.

SA PANIG NAMAN NG EMPLEYADO NG CUSTOM NA MIYEMBRO ANIYA NG DAVAO GROUP NA HINDI ALAM NI ANDERSON ANG PANGALAN.

HUMINGI ANIYA NG TULONG ITO NA ILABAS ANG 60 CONTAINERS KUNG SAAN IPINABASA PA ANG TEXT MESSAGES NG ISANG MANS NA TILA TINUTUKOY AY SI ATTY. MANS CARPIO NA ASAWA NI DAVAO CITY MAYOR SARAH DUTERTE.

HINDI NAMAN ANIYA ITO PINAGBIGYAN NI ANDERSON.

KINUWESTIYON NAMAN NI SENADOR AQUINO SI ANDERSON KUNG ANO NA ANG NANGYARI SA 60 CONTAINERS SHIPMENT.

AYON KAY ANDERSON, TANGING ANG COMMAND CENTER NI CAPT. GERARDO GAMBALA ANG NAKAKAALAM DITO.

NANGAKO NAMAN SI GAMBALA NA KANILANG HAHANAPIN ANG FILES NG NATURANG 60 SHIPMENTS AT ITO AY KANILANG ISUSUMITE SA SENADO.

HINILING NAMAN NI SENADOR BAM SA BAGONG BOC COMMISSIONER ISIDRO LAPEÑA NA MAARI BANG MAGSUMITE NG MGA LITRATO NG MGA EMPLEYADO NG BOC UPANG MAITURO NI ANDERSON ANG SINASABING EMPLEYADO NG CUSTOM NA MIYEMBRO NG DAVAO GROUP.

MAGUGUNITA NA BINANGGIT NI LACSON ANG LIMANG GRUPO NG PLAYERS NG BOC NA SANGKOT SA ILLEGAL SMUGGLING NA ANG TEVES GROUP, TAN GROUP, SANTOS GROUP, KIMBERLY GAMBOA GROUP AT DAVAO GROUP.

Read 60 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.