JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
POE, NABABAHALA SA SINAPIT NG KASAMA NI CARL ANGELO ARNAIZ

BY: JOJO SICAT

LABIS NA NABABAHALA SI SENADORA GRACE POE SA SINAPIT NG 14 YEARS OLD NA HULING KASAMA NG NAPATAY NG MGA PULIS CALOOCAN NA 19 YEARS OLD NA SI CARL ANGELO ARNAIS NA SINASABING NANGHOLDAP NG TAXI DRIVER.

ITO ANG NAGING REAKSYON NI POE MATAPOS NA MAKITA KAHAPON ANG NAWAWALANG KASAMA NI ARNAIS NA SI REYNALDO DE GUZMAN ALYAS KULOT SA GAPAN NUEVA ECIJA NA ISA NG BANGKAY AT TADTAD NG SAKSAK SA KATAWAN NA MAY BALOT NA PLASTIC ANG MUKHA.

LUMALABAS NA PINAHIRAPAN ANG BIKTIMA BAGO ITO PINATAY SA SAKSAK AT ITINAPON SA LUGAR.

AYON KAY SENADORA POE, IPAGPALAGAY MAN NA TOTOONG NANGHOLDAP ANG BIKTIMA AY HINDI DAPAT PINATAY NG WALANG KALABAN-LABAN ANG ISANG BATA NA 14 YEARS OLD PA LAMANG.

ANIYA, LABIS NG NAKABABAHALA NA BASTA GANUN-GANUN NA LAMANG KINIKITIL ANG BUHAY KAHIT NA ISANG BATA PA LAMANG.

IGINIIT NI POE NA DAPAT IPATAWAG SA SUSUNOD NA PAGDINIG SA KIAN KILLINGS AT ARNAIZ KILLINGS ANG MGA MAGULANG NI DE GUZMAN.

ANIYA, DAPAT NA MALAMAN KUNG PAANO NAGKAHIWALAY SINA KIAN AT DE GUZMAN.

HILING RIN NI POE NA DAPAT MABIGYAN NG PROTEKSYON ANG MGA MAGULANG NI DE GUZMAN AT DAPAT NA HUMINGI ANG MGA ITO NG TULONG SA SENADO PARA SA KANILANG KALIGTASAN.

Read 268 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.