JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MAKABAYAN BLOC SA KAMARA, KAKALAS SA MAJORITY COALITION

BY: FELIX TAMBONGCO

NAPIPINTONG KUMALAS SA MAJORITY COALITION NG KONGRESO ANG MAKABAYAN BLOC, KASUNOD ITO NG PAGKAKABASURA NG KUMPIRMASYON NI RAFAEL “KA PAENG” MARIANO SA COMMISSION ON APPOINTMENT.

AYON KAY  BAYAN MUNA REP. CARLOS ISAGANI ZARATE, ANG HINDI PAGKUMPIRMA KAY MARIANO BILANG KALIHIM NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM AY ISANG MALINAW NA MANIOBRA NG PRO-US MILITARISTS, LANDLORDS AT NEO-LIBERALS".

AYON KAY ZARATE, SA PAGKAKATANGGAL KAY KA PAENG SA DAR AY TUWANG-TUWA ANG MGA PANGINOONG MAY LUPA AT MGA LANDGRABBERS, SAMANTALANG MALUNGKOT ANG MGA MAGSASAKA.

SA PANGYAYARING ITO UMANO, KASAMA NA ANG PAGTANGGAL KAY PROF. JUDY TAGUIWALO SA DSWD, AY NAGPAPAHIWATIG NA WALA NG MAKABULUHANG MAASAHAN PA ANG MAMAMAYAN SA  ADMINISTRASYONG DUTERTE.

BABAGAL NA NAMAN UMANO ANG SERBISYO SA DSWD AT HINDI NA NAMAN MAIPAPAMAHAGI ANG LUPA SA MGA MAGSASAKA.

SA PANGYAYARI UMANO NA PAGKAKABASURA NG KUMPIRMASYON NI MARIANO AY TULUYANG NAALISAN NG MASKARA ANG REAKSYONARYONG KATANGIAN NG ADMINISTRASYONG DUTERTE.

KAALINSABAY NITO’Y NAKATAKDANG MAGPULONG ANG MAKABAYAN NATIONAL EXECUTIVE COMMITTEE PARA TALAKAYIN AT PAGDESISYUNAN ANG PANANATILI O PAGKALAS NG MAKABAYAN BLOC SA MAJORITY COALITION.

Read 1816 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.