JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
HONTIVEROS BINUWELTAHAN SI DU-30

BY: JOJO SICAT

BINUWELTAHAN NI SENADORA RISA HONTIVEROS SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE KUNG SAAN SINABI NG SENADORA NA MAAARING MAGHUGAS KAMAY SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA MGA PAGPATAY SA GITNA NG OPERASYON LABAN SA DROGA.

ITO ANG NAGING SAGOT NI SENADOR RISA HONTIVEROS SA BANAT SA KANYA NI PANGULONG DUTERTE MATAPOS ANG KANYANG PAHAYAG NA MAY POLISIYA NG PAGPATAY ANG DUTERTE ADMINISTRATION.

SINABI NI HONTIVEROS NA HINDI SIYA GENIUS SUBALIT NAUUNAWAAN NITO NA BAGAMAT ANG DALAWANG INSIDENTE NG PAGPATAY AY HINDI PA TUNAY NG POLISIYA, MAAARI NAMAN ITONG PATUNAYAN NG LIBONG TAONG NASAWI NA SA KAMPANYA.

BINIGYANG DIIN NI HONTIVEROS NA ANG LIBONG NAMATAY AY HINDI BUNGA NG AKSIDENTE KUNDI MAYROONG NAKAKITA, MAY SISTEMA AT MAY POLISIYA.

PATUNAY ANYA NITO ANG MGA PAHAYAG NG PANGULO KUNG SAAN IPINAGTANGGOL NITO ANG PAGPATAY SA 69 NA DRUG SUSPECTS SA BULACAN, CALOOCAN AT MANILA SA LOOB LAMANG NG ISANG LINGGO.

DAGDAG PA NI HONTIVEROS NA MAARI SIYANG INSULTIHIN NG  PANGULO SUBALIT HINDI NITO MAITATANGGI ANG MGA KATAGANG NG NASAMBIT NA NITO SA HARAP NG PUBLIKO.

Read 2974 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.