JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BIGO MAN SA CA TULOY ANG PAGSISILBI KO SA MAGSASAKA - KA PAENG

BY: JOJO SICAT

TULOY ANG LABAN PARA KAY KA PAENG MARIANO MATAPOS NGANG MABASURA NG MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENTS ANG KUMPIRMASYON BILANG KALIHIM NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM.

SA KANIYANG MENSAHE, SINABI NI MARIANO NA BAGAMAT WALA NA SA POSISYON BILANG AGRARIAN REFORM SECRETARY, HINDI NIYA ITITIGIL ANG PAGLILINGKOD SA MGA MAGSASAKA NA DATI NA NIYANG ADBOKASIYA KAHIT WALA PA SA PAMAHALAAN.

NAKALULUNGKOT ANIYANG ISIPIN, NA MULI NA NAMANG NANAIG ANG INTERES NG MGA LAND LORDS AT OLIGARCHS SA HALIP NA ANG INTERES NG MGA MALILIIT NA MAGSASAKA.

GANUNPAMAN, NANINIWALA SI MARIANO NA DARATING ANG PANAHON NA ANG MGA BOSES NAMAN NG ORDINARYONG MAGSASAKA ANG MANANAIG.

ANG PAGKAKABASURA ANIYA SA KANIYANG KUMPIRMASYON AY LALO LAMANG MAKAPAGPAPATATAG SA KANIYANG PAKIKIPAGKAPIT BISIG SA MGA MAGSASAKA SA BANSA.

MAGUGUNITANG SI MARIANO NA ANG IKAAPAT NA KALIHIM NG DUTERTE ADMINISTRATION NA HINDI KINUMPIRMA NG CA.

UNA RITO AY SI DATING FOREIGN SEC. PERFECT YASAY, DENR SEC. GINA LOPEZ AT DSWD SEC. JUDY TAGUIWALO.

Read 667 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.