JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DAR SEC. MARIANO, HINDI KINUMPIRMA NG MAKAPANGYARIHANG CA

BY: JOJO SICAT

HINDI KINUMPIRMA NG MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENT (CA) SI DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) SECRETARY RAFAEL "KA PAENG" MARIANO DAHIL 13 MIYEMBRO NG CA ANG HINDI PUMABOR SA KUMPIRMASYON NG KALIHIM.

MATAPOS ANG EXECUTIVE SESSION TILA NAGING MAINIT ANG ULO NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE "TITO" SOTTO III ANG CHAIRMAN NG COMMITTEE ON AGRARIAN REFORM NG MAKAPANGYARIHANG CA.

AYON SA ATING SOURCE HINDI NA NAKONTROL NI SOTTO ANG MGA MAMBABATAS NA HINDI PUMABOR SA KUMPIRMASYON NI MARIANO.

MALUNGKOT NAMAN SI SOTTO NG IREKOMENDA NITO ANG KALIHIM SA PLENARYO.

SA PAGSALANG KANINA NI SECRETARY RAFAEL "KA PAENG" MARIANO SA MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENT (CA) IGINIIT NITO NA ISASA-PRAYORIDAD ANG MGA PROGRAMANG MAKATUTULONG SA MGA MAGSASAKA SA BANSA SA ORAS NA MAKUMPIRMA NG CA

SA NATURANG PAGDINIG SINABI NI MARIANO NA PROTEKTADO ANG BUDGET NG DAR SA ILALIM NG KANIYANG PAMUMUNO AT ITO'Y TALAGANG MAPAPAKINABANGAN SA MGA PROGRAMANG PANG AGRIKULTURA.

GIIT NG KALIHIM, HINDI MATATAPOS SA PAMAMAHAGI NG LUPA SA MGA FARMERS ANG KANIYANG TUNGKULIN KUNDI TITIYAKIN DIN NIYA NA MAIAANGAT ANG KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA.

KASAMA SA MGA MAGIGING PRAYORIDAD NI MARIANO SA KANIYANG PAMUMUNO AY ANG PAGPEPRESERBA SA MGA AGRICULTURAL LANDS NG BANSA PARA SA MGA SUSUNOD NA HENERASYON.

SISIKAPIN DIN ANIYA NITONG MAHIKAYAT ANG MGA KABATAAN NA MAGTRABAHO SA AGRIKULTURA SA GITNA NG MGA PAGBABAGONG DULOT NG MAKABAGONG PANAHON SA SEKTOR NG MGA MANGGAGAWA SUBALIT HINDI NA ITO MATUTUPAD MATAPOS NA HINDI APBRUBAHAN ANG KUMPIRMASYON NG KALIHIM NG MAKAPANGYARIHANG CA.

Read 93 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.