JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MGA DOKUMENTO HINGGIL SA GHOST PROJECT NI TRILLANES, ISINUMITE NA NI BELGICA SA DOJ

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

ISINUMITE NA NI DATING MANILA COUNCILOR GRECO BELGICA SA DEPARTMENT OF JUSTICE O DOJ ANG LAHAT NG EBIDENSYA AT DOKUMENTO HINGGIL SA UMANO'Y GHOST PROJECT NI SEN. ANTONIO TRILLANES IV SA ILALIM NG DISCREDITED NA DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM O DAP.

SA PANAYAM NG INSIDER EXCLUSIVE KAPIHAN NG DZRJ KANINANG UMAGA, SINABI NI BELGICA NA NAGDESISYON SIYANG ISUMITE MUNA SA DOJ ANG MGA DOKUMENTO UPANG MABERIPIKA AT MAKUMPIRMA ANG NILALAMAN NITO NANG SA GAYON AY MAGAMIT BILANG EBIDENSYA SA KORTE.

AYON PA KAY BELGICA, PINUNTAHAN NIYA ANG LUGAR KUNG SAAN NAGPONDO SI TRILLANES NG ISANG LAMP POST PROJECT AT NAKUMPIRMA NILANG HINDI NAMAN ITO NAIPATUPAD.

HINDI NA RIN ANIYA MATUNTON NGAYON KUNG SAAN NAPUNTA ANG NASABING PONDO GAYONG HINDI NAMAN NAITAYO ANG NASABING PROYEKTO.

WALA NAMANG BALAK SI BELGICA NA ISUMITE ANG MGA NATURANG DOKUMENTO AT EBIDENSYA OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES DAHIL BATID NIYA ANG BIASES UMANO NITO SA MGA KAALYADO NI DATING PANGULONG NOYNOY AQUINO.

BUKOD DITO, INIHAYAG DIN NI BELGICA NA MAY ISA PANG POLITIKO NA KONEKTADO SA ADMINISTRASYONG AQUINO ANG NAGLAAN NG BAHAGI NG DAP FUNDS SA PAGPAPATAYO NAMAN NG DALAWANG TULAY SA BATANGAS NA KALAUNA'Y NAGING GHOST PROJECT DIN.

Read 492 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.