JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
U.S HUMILING SA UN NG DAGDAG NA SANCTIONS LABAN SA NORTH KOREA

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

HUMILING ANG ESTADOS UNIDOS SA UNITED NATIONS O UN NG KARAGDAGANG SANCTIONS LABAN SA NORTH KOREA.

ITO AY MATAPOS MAGSAGAWA NG HYDROGEN BOMB TEST ANG NORTH KOREA NITONG LINGGO.

SINABI NI DATING NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ SA DZRJ NA NAPAULAT NA HINILING NI US AMBASSDOR TO UN NIKKI HALEY SA UN ANG OIL EMBARGO LABAN SA NORTH KOREA UPANG MABAWASAN ANG TENSYON SA PAGITAN NG DALAWANG BANSA.

AYON PA KAY GOLEZ, MAY ULAT NA HINIRIT NG SOUTH KOREA SA CHINA NA ITIGIL ANG PAGSUSUPLAY NG LANGIS SA NORTH KOREA KUNG MAGTULOY-TULOY ANG MGA NUCLEAR TESTS NITO.

ANIYA, KUNG MAWAWALA ANG SUPLAY NG LANGIS AY MALAKI ANG EPEKTO NITO SA EKONOMIYA NG NORTH KOREA AT MAGING DAHILAN NG PAG-ATRAS NITO SA PAGBABANTA NG GIYERA.

GAYUNMAN, HINDI PA ANIYA MALINAW KUNG BUKAS ANG CHINA SA HAKBANGING ITO.

 

 

Read 88 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.