JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DAR SEC. MARIANO IPAPRAYORIDAD ANG MGA PROGRAMANG MAKAKATULONG SA MGA MAGSASAKA

BY: JOJO SICAT

SA PAGSALANG NI DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM SECRETARY RAFAEL "KA PAENG " MARIANO SA MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENT (CA) IGINIIT NITO NA ISAPAPRAYORIDAD ANG MGA PROGRAMANG MAKATUTULONG SA MGA MAGSASAKA SA BANSA SA ORAS NA MAKUMPIRMA NG CA.

SA NATURANG PAGDINIG SINABI NI MARIANO NA PROTEKTADO ANG BUDGET NG DAR SA ILALIM NG KANIYANG PAMUMUNO AT ITO'Y TALAGANG MAPAPAKINABANGAN SA MGA PROGRAMANG PANG AGRIKULTURA.

GIIT NG KALIHIM, HINDI MATATAPOS SA PAMAMAHAGI NG LUPA SA MGA FARMERS ANG KANIYANG TUNGKULIN KUNDI TITIYAKIN DIN NIYA NA MA-I-AANGAT ANG KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA.

KASAMA SA MGA MAGIGING PRAYORIDAD ANIYA NG KANIYANG PAMUMUNO AY ANG PAGPEPRESERBA SA MGA AGRICULTURAL LANDS NG BANSA PARA SA MGA SUSUNOD NA HENERASYON.

SISIKAPIN DIN ANIYA NILANG MAHIKAYAT ANG MGA KABATAAN NA MAGTRABAHO SA AGRIKULTURA SA GITNA NG MGA PAGBABAGONG DULOT NG MAKABAGONG PANAHON SA SEKTOR NG MGA MANGGAGAWA.

KASABAY NITO, ININDORSO NA NI SENADORA LOREN LEGARDA SI MARIANO BILANG DAR SECRETARY DAHIL ANIYA SA PAGIGING COMPETENT AT HINDI MATATAWARANG KARANASAN NITO SA SEKTOR NG AGRIKULTURA.

 

Read 58 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.