JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LACSON,  HINILING ANG PAG-ROTATE SA MGA PULIS

BY: JOJO SICAT

HINILING NI SENADOR PANFILO LACSON KAY PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) CHIEF POLICE DIRECTOR GENERAL RONALD ' BATO" DELA ROSA NA DAPAT AY LAGING NILILIPAT NG DESTINO ANG MGA PULIS LALO NA KAPAG TUMATAGAL NA SA ISANG LUGAR.

ITO ANG NAPANSIN NI LACSON SA ISINAGAWANG PAGDINIG NG SENADO UKOL SA PAGPASLANG KAY KIAN LLYOD DELOS SANTOS NG TATLONG PULIS CALOOCAN.

LUMABAS KASI SA PAGDINIG SA SENADO NA 13 TAON NA SI PO3 ARNEL OARES NA NAKADESTINO SA CALOOCAN SIMULA NOONG TAON 2004 KUNG NANINIWALA SI LACSON NA ALAM NA NI OARES ANG PASIKOTSIKOT SA NATURANG LUNGSOD.

SINABI PA NI LACSON NA POSIBLENG ALAM NARIN NI OARES ANG LAHAT NG MAARING PAG-ORBITAN SA LUNGSOD PARA PAGKAKITAAN.

DAGDAG PA NG SENADOR KUNG NAILIPAT SI OARES POSIBLENG HINDI NAMATAY SI KIAN.

ANIYA NI LACSON HABANG TUMATAGAL ANG ISANG PULIS SA ISANG LUGAR MAS MALAKI ANG TSANSA NA MAGING TIWALI ITO.

KINUKUNSIDERA NAMAN NI PNP CHIEF DELA ROSA NA PAG-ARALAN ANG MUNGKAHI NI LACSON NA POSIBLENG MAKATULONG PARA MABAWASAN ANG PANG- AABUSO NG MGA PULIS.

Read 2456 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.