JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PNP CHIEF UMAMIN NA MALI ANG PUMATAY NG WALANG KALABAN-LABAN

BY: JOJO SICAT

UMAMIN SI PHILIPPINE NATIONALS POLICE (PNP) POLICE DIRECTOR GENERAL RONALD " BATO" DELA ROSA NA MALI NA PUMATAY ANG MGA PULIS NG MGA SUSPEK NG WALANG KALABAN-LABAN.

ITO ANG NAGING SAGOT NI DELA ROSA SA TANONG NI SENADOR BAM AQUINO SA IKALAWANG PAGDINIG NG SENATE COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS SA PAGPASLANG KAY KIAN DELOS SANTOS NG TATLONG PULIS CALOOCAN SA ISINAGAWANG POLICE OPERATION LABAN SA ILLEGAL NA DROGA.

SA NATURANG PAGDINIG IPINUNTO NI AQUINO ANG NAGING PAHAYAG NG PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA HINDI DAPAT PUMATAY ANG MGA PULIS NG MGA SUSPEK NA HINDI LUMALABAN LALO NA KAPAG NAKALUHOD NA.

PINATUNAYAN NAMAN ITO NI DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY VITALIANO AGUIRRE NA KASAMA NG PANGULO NG SAMBITIN ANG NATURANG PAHAYAG.

SA PAGPAPATULOY NG PAGDINIG NAGING EMOSYUNAL NAMAN SI PNP CHIEF DELA ROSA KUNG SAAN BAKIT ISINISISI ANIYA SA LAHAT NG PULIS ANG PAGKAKAMALI NG ILAN SA PAGKAKAPASLANG SA MGA SUSPEK.

IGINIIT PA NI BATO NA HINDI NAKIKITA NG MGA SENADOR ANG BILANG NG MGA PULIS NA NAMAMATAY SA ILLEGAL DRUGS OPERATION.

HINDI RIN ANIYA NAKIKITA NG MGA MAMBABATAS ANG MAHIGIT SA 120,000 NA MGA SUSPEK SA ILLEGAL DRUGS ANG NAHULI NG BUHAY NG MGA OTORIDAD.

KASABAY NITO HINILING NI BATO SA SENADO NA DAPAT AY ILIPAT NA SA PNP ANG PAMAMAHALA SA PAGTRAINING SA MGA NAIS NA MAGING PULIS PARA MADISPILINA AT HINDI MAGING TIWALING PULIS.

Read 512 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.