JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TESTIGO, IDINIIN ANG DALAWANG PULIS SA PAGPASLANG KAY KIAN

BY: JOJO SICAT

ITINURO NG TESTIGO SA ISINAGAWANG PAGDINIG SA SENADO ANG DALAWANG PULIS NA PUMASLANG KAY KIAN LLYOD DELOS SANTOS SA ISINAGAWANG OPERASYON NG MGA PULIS SA CALOOCAN CITY.

SA IKALAWANG PAGDINIG NG SENATE COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS NA PINAMUMUNUAN NI SENADOR PANFILO LACSON, ITINURO NG TESTIGO NA ALYAS MC ANG DALAWA SA TATLONG AKUSADONG PULIS ANG PUMASLANG ANIYA KAY KIAN.

IDINIIN NI MC SINA PO3 ARNEL OARES AT PO1 JEREMIAS PEREDA NA SIYANG BUMARIL SA BIKTIMA MATAPOS NA PATAYUIN ITO NI LACSON PARA MAKUMPIRMA NG TESTIGO.

HINDI NAMAN MAPIGA NI SENADORA RISA HONTIVEROS ANG TATLONG PULIS DAHIL IGINIGIIT NG MGA ITO ANG PAG-INVOKE NG RIGHTS AGAINST SELF-INCRIMINATION "

DISMAYADO ANG SENADORA DAHIL LAHAT NG KATANUNGAN NITO AY HINDI NASAGOT NG TATLONG PULIS DAHIL SA PAG-INVOKE NG MGA ITO SA RIGHTS AGAINST SELF-INCRIMINATION.

DAGDAG PA NI HONTIVEROS NA TILA GINAGAWA NG PANANGGA NG MGA AKUSADO ANG RIGHTS AGAINST SELF-INCRIMINATION PARA MAKAIWAS NA MALAMAN ANG TUNAY NA PANGYAYARI SA LIKOD ANG PAGKAKAPASLANG KAY KIAN NA HINDI TALAGA ITO LUMABAN KUNDI SADYANG PINASLANG NG MGA PULIS.

Read 756 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.