JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LAHAT NG NABANGGIT NI LACSON IIMBITAHAN NG SENADO - SOTTO

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III NA LAHAT NG NABANGGIT NOON NI SENADOR PANFILO SA KANYANG PRIVILEGE SPEECH SA SENADO UKOL SA TARA SYSTEM SA BUREAU OF CUSTOM (BOC) AY IPATATAWAG NG BLUE RIBBON COMMITTEE.

ITO ANG NAGING REAKSYON NI SOTTO MATAPOS NA KUMPIRMAHIN NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENATOR RICHARD GORDON NA IIMBITAHAN NA NITO SA SUSUNOD NA PAGDINIG SA HUWEBES SINA DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT ATTY. MANS CARPIO.

PALIWANAG NI SOTTO HINDI TOTOO NA KAYA INIMBITAHAN NI GORDON SI VM DUTERTE AT ATTY. CARPIO DAHIL SA PUBLIC CLAMOR.

ITINANGGI NI SOTTO NA NAG-AABUGADO SILA NI GORDON KINA DUTERTE AT CARPIO KAYA HINDI NILA TINITUGUNAN ANG KAHILINGAN NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV.

SA HALIP IGINIIT NI SOTTO NA KAILANGAN TUTUKAN NILA ANG ISYU SA P6.4 BILYON NA SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BOC DAHIL IYON ANG TINATALAKAY AT WALANG KAUGANAYAN ANG DAVAO GROUP AT TARA SYSTEM SA RESOLUSYON NG SENADO NA KANILANG DINIDINIG AT NALALAYO NA SILA SA MGA DAPAT MAPANAGOT SA LIKOD NG SHABU SHIPMENT.

SUBALIT ANIYA NG SENADOR SA SUSUNOD NA PAGDINIG AY TUTUTOK NA SILA SA ISYU NG TARA SYSTEM KUNG KAYA'T INIMBITAHAN NA SILA VM DUTERTE AT ATTY. CARPIO.

HINDI LAMANG ANIYA ANG DALAWA KUNDI POSIBLENG ANG LAHAT NG NABANGGIT NI LACSON MULA SA DATING BOC COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT ILAN PANG OPISYAL NG BOC NA SANGKOT SA TARA SYSTEM NG NATURANG AHENSYA.

Read 56 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.