JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ETHICS COMPLAINT KAY TRILLANES TULOY NA TULOY NA

BY: JOJO SICAT

KINUMPIRMA NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON NA TULOY ANG PAGSASAMPA NIYA NG REKLAMO NGAYONG ARAW LABAN KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV SA SENATE COMMITTEE ON ETHICS.

AYON KAY GORDON, NAKABATAY ANG KANILANG REKLAMO SA MASAMA AT NAKAKASIRANG LENGGWAHE LABAN SA KANYA NI TRILLANES.

ANG PAHAYAG ANIYA NI TRILLANES NA NAG-AABUGADO AT KOMITE DE ABSWELTO AY HINDI GAWAIN NG ISANG SENADOR AT LABAG SA SENATE CODE OF ETHICS.

BATAY ANIYA SA CODE OF ETHICS HINDI LANG SA SENADO KUNDI SA ANUMANG PUBLIC INSTITUTION, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG ACTS OF LANGUAGE NA NAKAKA-OFFEND, UNPARLIAMENTARY O ANUMANG MAAANGHANG NA LENGGWAHE.

ITINANGGI NI GORDON NAG A-AABUGADO SYA AT HINAHARANG ANG PAGTESTIGO NG MGA ANAK NG PANGULO NA SINA DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT ATTY. MANS CARPIO GAYA NG ALEGASYON NI TRILLANES.

IGINIIT NI GORDON NA MISMONG ANG TESTIGO NA SI MARK RUBEN TAGUBA ANG NAGSABING HINDI PERSONAL NA NAKITA O NAKAUSAP NITO SI DUTERTE NA MALINAW NA WALANG EBIDENSYANG MAGDADAWIT SA KANILA SA UMANO'Y SMUGGLING SA BUREAU OF CUSTOM (BOC).

SAKALING MAKAKUHA NG SAPAT NA SUPORTA SI GORDON SA KAPWA MGA SENADOR POSIBLENG MAARING PATAWAN SI TRILLANES NG SUSPESYON O MAPATALSIK BILANG SENADOR.

KASABAY NITO NAGPAHAYAG NAMAN SI ETHICS COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR VICENTE TITO SOTTO III NA MAGPAPATAWAG ITO NG MEETING SA MGA MIYEMBRO NG ETHICS UPANG TALAKAYIN ANG ISINAMPANG ETHICS COMPLAINT LABAN KAY TRILLANES AT IBA PANG ETHICS COMPLAINT TULAD NG ISINAMPA KAY SENADORA LEILA DE LIMA NA NAKAPIIT NGAYON SA KAMPO CRAME.

Read 1890 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.