JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SOTTO MAGPAPATAWAG NG ETHICS COMMITTEE MEETING

BY: JOJO SICAT

MAGPAPATAWAG SI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III NG MEETING NG MGA MIYEMBRO NG ETHICS COMMITTEE SA NAKATAKDANG ETHICS COMPLAINT LABAN KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV.

AYON SA CHAIRMAN NG ETHICS COMMITTEE NA SI SOTTO KAILANGAN NITO MAGPATAWAG NG PULONG MULA SA MGA MIYEMBRO NG ETHICS DAHIL HINDI NITO MADEDESISYUNAN MAG-ISA ANG KASONG ISASAMPA NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON LABAN KAY  TRILLANES.

DAGDAG PA NI SOTTO NA BLESSING NARIN ANG PAGSASAMPA NG ETHICS COMPLAINTS KAY TRILLANES DAHIL NAKATAKDA NAMAN TALAGA ITONG MAGPATAWAG DAHIL MAY MGA NAKABINBIN PANG REKLAMO SA ETHICS TULAD NG REKLAMO LABAN KAY DE LIMA.

GINAWA NI SOTTO ANG AKSYON MATAPOS NA IPAHAYAG NI GORDON NA TULOY ANG PAGSASAMPA NITO NG ETHICS COMPLAINT NGAYONG ARAW LABAN KAY TRILLANES.

MAGUGUNITA NA NOONG NAKARAANG HUWEBES SA PAGDINIG SA SENADO NAGKAINITAN SINA TRILLANES AT GORDON DAHIL SA ISYU NG PAG-IMBITA NG SENADO KINA DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT ATTY. MANS CARPIO NA ASAWA NI MAYOR SARAH DUTERTE NA IDINADAWIT SA TARA SYSTEM SA BUREAU OF CUSTOM (BOC).

Read 192 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.