JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MARCOS, WALA PA SA GOBYERNO, NAG-TRADE NA NG GOLD - LACSON

BY: JOJO SICAT

INAMIN NI SENADOR PANFILO LACSON NA MATAGAL NA NITONG NAPAG-ALAMAN NA DATI NG NAGTE- TRADE NG GOLD ANG DATING PANGULONG FERDINAND MARCOS .

ITO ANIYA ANG SINABI SA KANÝA NOON NG DATING UNANG GINANG IMELDA ROMUALDEZ MARCOS.

SA PANAYAM SA SENADO, SINABI NI LACSON NA BINANGGIT SA KANILA NOON NI GINANG MARCOS NA WALA PA SA GOBYERNO AY NANGANGALAKAL NA NG GINTO ANG YUMAONG DATING PANGULO.

ANIYA NG SENADOR, IPINAKITA PA SA KANILA NOON ANG MAKAPAL NA GOLD CERTIFICATES NA HAWAK NG UNANG GINANG.

XEROX COPY MAN ANG HAWAK NI GINANG MARCOS, NANINIWALA SI LACSON NA GENUINE ANG NATURANG CERTIFICATE AT NAKATAGO LAMANG ANG ORIHINAL NA KOPYA NITO.

MAGUGUNITA NA NAG-ALOK ANG PAMILYA MARCOS KAY PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA KANILANG IBABALIK SA GOBYERNO ANG ILANG PERA NA PAPASOK NAMAN SA NATIONAL TREASURY.

MAY ILANG NAGDUDA SA SENSIRIDAD NG MGA MARCOSES SUBALIT IGINIIT NI LACSON NA ANG MAHALAGA SA NGAYON AY MAIPASOK ITO SA NATIONAL TREASURY NA MAITUTURING NA MALAKING TULONG PARA SA BAYAN.

Read 2903 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.