JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
OFFER NG MARCOSES, MALAKING TULONG SA BAYAN- LACSON

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADOR PANFILO LACSON NA MALAKING TULONG PARA SA BAYAN O NATIONAL TREASURY ANG ALOK NG MARCOSES.

SINABI NI LACSON NA KUNG MAY OFFER O NEGOSASYON SA PAGITAN NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE AT PAMILYA MARCOS, NARARAPAT LAMANG NA ITO AY MATULOY DAHIL MALAKING TULONG ITO AT KARAGDAGANG PERA NA PAPASOK SA NATIONAL TREASURY.

ANIYA ANG MAHALAGA SA NGAYON AY MATULOY ANG NEGOSASYON AT MAIPASOK ITO SA NATIONAL TREASURY, TSAKA NA PAG-USAPAN ANG KASUNDUAN KUNG TATANGGAPIN BA ITONG ILL-GOTTEN WEALTH O ISU-SURRENDER NA LANG AS IT IS.

HINDI NAMAN MAHUSGAHAN NI LACSON ANG PAMILYA MARCOS KUNG SERYOSO BA ANG MGA ITO SA OFFER NA IBABALIK ANG ILANG PERA O GOLD BAR CERTIFICATE SA GOBYERNO.

ANIYA NG SENADOR, MAAYOS NAMAN ANG RELASYON NG MGA MARCOSES KAY PANGULONG DUTERTE AT IYON NA LAMANG ANG TINGNAN NG PUBLIKO NA POSIBILIDAD NA MATULOY ANG NATURANG KASUNDUAN.

DAGDAG PA NI LACSON, HINDI MAIIWASAN NA MAY KUMONTRA SA ALOK NG PAMILYA MARCOS LALO NA ANG MGA KALABAN NITO SA POLITIKA AT MGA KRITIKO SUBALIT ANG MAHALAGA SA NGAYON AY ANG PERA NA PAPASOK SA NATIONAL TREASURY NA MAITUTURING NA MALAKING TULONG PARA SA BAYAN.

Read 790 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.