JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TESDA, NAGDEKLARA NG CORRUPTION AT DRUG-FREE SA HARAP NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE

BY: JOJO SICAT

KASABAY NG PAGDIRIWANG NG IKA-23 TAONG ANIBERSARYO NG TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA) KAHAPON AY NAGDEKLARA ITO NG CORRUPTION AT DRUG-FREE SA MISMONG PRESENSYA KAGABI NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA PAGBISITA NITO SA TANGGAPAN NG NATURANG AHENSIYA.

AYON KAY TESDA GENERAL SECRETARY GUILING MAMONDIONG, ANG PAGDEKLARA NG CORRUPTION AT DRUG-FREE SA PINAMUMUNUAN NITONG KAGAWARAN AY ISANG PARAAN NG PAGPAPAKITA NG SUPPORTA SA KAMPANYA NI PANGULONG DUTERTE LABAN SA KORAPSYON AT ILIGAL NA DROGA.

BAGO ITO NAGSAGAWA NG TRAINEES DAY, ANG TESDA NA DINALUHAN NG DALAWANG LIBONG (2,000) KATAO KABILANG NA RITO ANG MGA TRAINEES, EMPLEYADO AT IBA PANG BISITA KUNG SAAN AY NAGKAROON NG EXIHIBIT TULAD MEMORABILIA REPORT STANDEES, COOKERY DEMONSTRATION NI CHEF BOY LOGRO MOBILE TRAINING LABORATORY AT HEAVY EQUIPMENT SIMULATOR.

SA PAGDATING NI DUTERTE SA TESDA AY SINALUBONG ITO NI SECRETARY GUILING MAMONDIONG, SECRETARY SILVESTRE BELLO III NG DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE) AT CABINET SECRETARY LEONCIO EVASCO.

MATAPOS ITO AY NAGTUNGO NAMAN SI PANGULONG DUTERTE SA ISINAGAWANG EXHIBIT BAGO DUMIRETSO PARA SA PROGRAMANG INILAAN KABILANG NA RITO ANG PANUNUMPA NG LAHAT NG OPISYAL AT EMPLEYADO SA PANGULO AT ANG PAGDEKLARA NG CORRUPTION AT DRUG-FREE TESDA NA PINANGUNAHAN NI MAMONDIONG.

Read 298 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.