JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
RESOLUSYON BILANG PAGKILALA SA MGA PINOY ATHLETES SA 29TH SEA GAMES INIHAIN SA SENADO
BY: JOJO SICAT
 
INIHAIN ANG ISANG RESOLUSYON SA SENADO PARA KILALANIN ANG PINOY ATHLETES NA SUMABAK SA 29TH SOUTHEAST ASEAN GAMES KUNG SAAN TODO PAPURI PA RIN ANG MGA SENADOR SA MAGANDANG PERFORMANCE NG MGA ATLETANG FILIPINO NA GINANAP SA KUALA LUMPUR, MALAYSIA.
 
AYON KAY SENATE COMMITTEE ON SPORTS VICE CHAIRMAN SEN. JOEL VILLANUEVA, IMPRESIBO ANG NAGING LARO NG MGA PINOY KAHIT KAKAUNTI LAMANG ANG MGA ITO AT LIMITADONG EVENTS LANG ANG NASALIHAN.
 
NABATID NA 497 LAMANG ANG ATLETANG NAIPADALA NG PILIPINAS SA SEA GAMES, BAGAY NA LUBHANG MALAYO KUNG IHAHAMBING SA DELIGASYON NG IBANG MGA BANSA.
 
DAHIL DITO, INIHAIN NI VILLANUEVA ANG SENATE RESOLUTION 477 PARA BIGYAN NG PAGKILALA ANG GALING NG MGA MANLALARONG PINOY SA NATURANG MALAKING SPORTING EVENT.
 
ANIYA ANG MGA MEDALYANG NAPAGTAGUMPAYAN NG MGA MANLALARONG PINOY AY MAITUTURING TAGUMPAY AT KARANGALAN NARIN NG PILIPINAS
Read 109 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.