JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ISYU NG PAGSOSOLI NG KAYAMANAN NG PAMILYA MARCOS, DAPAT MUNANG LINAWIN AYON SA MGA KONGRESISTA

BY: FELIX TAMBONGCO

DAPAT UMANONG LINAWING MABUTI NG PANGULO ANG KANÝANG NAGING PAHAYAG SA ISYU NG PAGSOSOLI NG HIDDEN WEALTH NG PAMILYA MARCOS.

TANONG NI ACT TEACHERS REP. ANTONIO TINIO, MAYROON BANG NAGAGANAP NA NEGOSASYON SA PAGITAN NG MALACAÑANG AT NG PAMILYA MARCOS FAMILY HINGGIL SA PAGSOSOLI NG KAYAMANAN? KASAMA BA ANG LAHAT NG MGA NAKAW NA YAMAN O YUN LAMANG NEGOTIABLE NA HALAGA? NANGANGAHULUGAN DIN BA ITO NA MALILIGTAS NA ANG PAMILYA MARCOS SA CRIMINAL LIÀBILITIES? DAPAT ANO AY MAGING TRANSPARENT ANG PAMAHALAAN SA ISYUNG ITO.

IKINAGULAT NAMAN NI REP. TEDDY BAGUILAT NA ANG MISMONG PANGULO PA ANG NAGSASALITA PARA SA MGA MARCOS.

SINABI PA NI BAGUILAT NA NANGANGAHULUGAN DIN BA ITO NA WILLING ANG PAMILYA MARCOS NA AMININ ANG HINGGIL SA ILL-GOTTEN WEALTH AT HANDA SILA NA IPASAILALIM SA PAGGILING NG HUSTISYA SA KRIMEN LABAN SA MGA MAMAMAYAN.

AYON NAMAN KAY REP. TOM VILLARIN, HINDI INAASAHAN AT ISANG HIMALA ANG PAHAYAG MA ITO LALO PA AT ANG MGA MARCOS AY NAAKUSAHAN NG MALAWAKANG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO AT SA  $10-B ILL-GOTTEN WEALTH. 

KUNG ISOSOLI BA ANG MGA NAKAW NA YAMAN AT HIHINGI NG PAUMANHIN SA TAONG BAYAN, GAGAWIN BA ITO NG WALANG HINIHINGING KONDISYON.

SINABI PA NI VILLARIN NA BAKA ITOÝ ISANG PROPAGANDA LAMANG PARA ILIGAW ANG KAISIPAN NG PUBLIKO SA HARAP NG KATOTOHANAN NA PATULOY ANG PAGTAAS NG BILANG NG MGA PAGPATAY SA BANSA.

Read 440 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.