JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TRILLANES IDINADAWIT SI VM DUTERTE, WALA NAMAN EBIDENSYA- GORDON

BY: JOJO SICAT

PINUNA NG CHAIRMAN NG BLUE RIBBON COMMITTEE NA SI SENADOR RICHARD GORDON SI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV SA PAGDIDIIN NITO KAY DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE NA SIYANG NASA LIKOD NG MAIMPLUWENSYANG DAVAO GROUP SA BUREAU OF CUSTOM (BOC).

AYON KAY GORDON LAGI NA LAMANG ISINASANGKOT NI TRILLANES SA PAGDINIG SI VM DUTERTE SUBALIT WALA NAMAN ITONG MAILABAS NA EBIDENSYA NA MAGPAPATUNAY NG KANYANG ALEGASYON.

GINAWA NI GORDON ANG REAKSYON MATAPOS ANG PAGTATANONG NG MGA MAMAMAHAYAG KUNG DAPAT NA BANG IMBITAHAN SA SUSUNOD NA PAGDINIG SI VM DUTERTE AT ANG BAYAW NITO NASI ATTY. MANS CARPIO MATAPOS NA LUMABAS SA PAGDINIG NA NAGTUNGO SI ATTY. CARPIO SA TANGGAPAN NG DATING CUSTOM COMMISSIONER NICANOR FAELDON.

SINABI NI GORDON NA INAMIN LAMANG SA PAGDINIG SA SENADO NI CUSTOM INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICES CHIEF COL. NEIL ANTHONY ESTRELLA NA NAGTUNGO NGA NOON SI ATTY. MANS CARPIO TANGGAPAN NI DATING CUSTOM COMMISSIONER NICANOR FAELDON SUBALIT HANGGANG DOON LAMANG AT WALANG NABANGGIT NA ANUMANG POSIBLENG MAGDAWIT DITO SA KONTROBERSYAL NA P6.1 BILYON SHABU SHIPMENT.

ANIYA PAGTATAWANAN NA LAMANG ANG SENADO KAPAG PINATULAN NITO ANG ALEGASYON NI TRILLANES.

DAGDAG PA NI GORDON NA HANDA NAMAN NITONG PATULAN ANG ALEGASYON NI TRILLANES BASTA MAY IHAHARAP ITONG TESTIGO AT EBIDENSYA NA MAGPAPATUNAY NG KANYANG ALEGASYON LABAN KAY VM DUTERTE AT SA ASAWA NI DAVAO CITY MAYOR SARRA DUTERTE NA SI ATTY. MANS CARPIO.

Read 247 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.