JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
CCTV COPY SA CUSTOM HINILING NI TRILLANES

BY: JOJO SICAT

HINILING NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV SA IKA LIMANG PAGDINIG NG BLUE RIBBON COMMITTEE ANG KOPYA NG CCTV CAMERA SA BUREAU OF CUSTOM (BOC).

SA PAGPAPATULOY NG PAGDINIG HINILING NI TRILLANES KAY COMMAND CENTER CHIEF CAPT. GERARDO GAMBALA ANG KOPYA NG CCTV CAMERA SIMULA NG MAUPO ITO SA PWESTO HANGGANG SA KASALUKUYAN.

NAIS NI TRILLANES NA MAKITA SA CCTV KUNG PAANO NAILABAS ANG CONTAINER NA NAGLALAMAN NG 600 KILOS NG SHABU NA UMAABOT SA P6.4 BILYON PISO.

SA PAGDINIG SINABI NI GAMBALA NA POSIBLENG WALA NA ANG KOPYA NITO DAHIL EVERY 45 DAYS AY BINUBURA NA NILA ANG KOPYA NG MGA CCTV SA CUSTOM.

SUBALIT NANGAKO NAMAN NI GAMBALA NA PIPILITIN NITO NA MAREKOBER ANG NATURANG KUHA NG CCTV AT BOLUNTARYONG IBIBIGAY SA SENADO.

SINABI NAMAN NI TRILLANES NA HINDI NA KAILANGAN NA IPASUBPOENA PA ANG KOPYA NG CCTV DAHIL BOLUNTARYO NAMAN ITO NA DADALHIN SA PAGDINIG.

SA PAGPAPATULOY NG IMBESTIGASYON NAPAAMIN NAMAN NI TRILLANES SI CUSTOM INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICES CHIEF COL. NEIL ANTHONY ESTRELLA NA NAGTUNGO NGA NOON SI ATTY. MANS CARPIO TANGGAPAN NI DATING CUSTOM COMMISSIONER NICANOR FAELDON.

SA KABILA NG PAG- AMIN HINDI NAMAN NAKUMPIRMA NI ESTRELLA ANG DAHILAN NG PAGBISITA NI CARPIO NA ASAWA NI DAVAO CITY MAYOR SARA DUTERTE.

Read 91 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.