JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
4-DAY COMPRESSED WORK WEEK, SUPORTADO NI VILLANUEVA

BY: JOJO SICAT

NAGPAHAYAG NG SUPORTA SI SENADOR JOEL VILLANUEVA SA NAIPASANG 4-DAY COMPRESSED WORK WEEK SA KAMARA DE REPRESENTANTE.

ITINUTURING NI VILLANUEVA NA POSITIVE DEVELOPMENT ANG PAGKAKALUSOT NG PANUKALANG BATAS SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO.

ANIYA, HINDI LAMANG ITO MAKAKATULONG SA PAGBABAWAS NG DALOY NG TRAPIKO SA MGA PANGUNAHING LANSANGAN KUNDI MAKAPAGBIBIGAY PA NG ORAS SA MGA MANGGAGAWA NA MAKAPILING ANG KANILANG PAMILYA NG MAHABANG ORAS.

NANINIWALA SI VILLANUEVA NA MAKAKATULONG ITO PARA SA KAPAKANAN NG MGA MANGGAGAWA.

ANIYA NG SENADOR, MAY COUNTERPART NA ANG NATURANG PANUKALANG BATAS SA SENADO AT NAKATAKDA NA ITONG TALAKAYIN SA SETYEMBRE 13.

AMINADO NAMAN SI VILLANUEVA NA HINDI ITO MAIA-APPLY SA LAHAT NG KUMPANYA O PABRIKA DAHIL KINAKAILANGAN NG ILANG KUMPANYA ANG 5-DAY WORK WEEK DAHIL NA RIN SA DEMAND NG KANILANG PRODUKTO NA DAPAT MATAPOS SA TAMANG ORAS.

Read 67 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.