JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SUGATANG FORESTER, PINAGKALOOBAN NG MEDALYA NG KABAYANIHAN

BY: FELIX TAMBONGCO

PINAGKALOOBAN NG PINAKAMATAAS NA PARANGAL NI DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) SECRETARY ROY CIMATU ANG ISA NILANG SUGATANG EMPLEYADO NA BINARIL AT MALUBHANG NASUGATAN DAHIL SA PAGTUPAD NG KANÝANG TRABAHO.

ANG PINAGKALOOBAN NG PARANGAL KASABAY NG SELEBRASYON NG NATIONAL HEROES DAY AY KINILALANG SI JOSELITO EYALA,  FORESTER MULA SA COMMUNITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE (CENRO) SA PUERTO PRINCESA CITY.

AYON KAY CIMATU, KANÝA ANG KARANGALAN NA IPAGKALOOB ANG MEDALYA NG KABAYANIHAN KAY AYALA NOONG DALAWIN ITO SA PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL (PGH).

PINAGKALOOBAN DIN SI AYALA NG PROMOSYON, MULA FORESTER 1, GINAWA ITONG FORESTER 2 NA MAS MATAAS DIN ANG SALARY GRADE.

TINIYAK DIN NI CIMATU NA SIYA ANG SASAGOT SA LAHAT NG MGA GASTUSIN SA OSPITAL AT TULONG PINANSYAL PARA SA PAGPAPAGALING NI AYALA NA KASALUKUYANG NAGHIHINTAY NA MAOPERAHAN PARA MAALIS ANG BALA NA NAKABAON SA KATAWAN.

SA INISYAL NA IMBESTIGASYON NG PULISYA, HINULI NG TEAM NI AYALA ANG MGA HINIHINALANG ILLEGAL POUCHER AT KINUMPISKA ANG CHAINSAW NA HINDI REHISTRADO SA BULUBUNDUKING BAHAGI NG BACUNGAN PUERTO PRINCESA PALAWAN NOONG AUGUST 23.

PUMALAG ANG MAY-ARI NG CHAINSAW NA NAKILALANG SI FLORANTE SAYCON AT BINARIL NITO NG HOMEMADE GUN SI AYALA NA NAGTAMO NG TAMA SA LIKURANG BAHAGI NG KATAWAN, MABILIS NAMANG TUMAKAS ANG TATLO (3) PANG KASAMA NITO MATAPOS NA HABULIN NG SUSPEK.

NAKALIGTAS LAMANG SI AYALA MATAPOS NA MAGPAANOD ITO SA ILOG SA LOOB NG LIMANG (5) ORAS HANGGANG SA MAY TUMULONG SA KANÝA. AUGUST 24 NG MADALING ARAW, ISINAKAY ITO SA ISANG KALABAW PATUNGO SA TAHANAN NI COUCILOR DANIEL ANJAN NA SIYA NAMANG NAGDALA KAY AYALA SA PALAWAN ADVENTIST HOSPITAL.

NAGTAGO NAMAN ANG TATLO PA NITONG KASAMAHAN SA ILOG SA LOOB NG PITONG ORAS AT SILAÝ NATAGPUAN NG MGA OTORIDAD SA BACUNGAN BARANGAY HALL GANAP NA ALAS-OTSO NG UMAGA NOONG AUGUST 24.

SAMANTALA, NAARESTO NAMAN NG MGA ELEMENTO NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) SA PUERTO PRINCESA CITY SI SAYCON SA ISINAGAWANG FOLLOW-UP OPERATION.

Read 914 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.