JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
AFP, HIRAP SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA CHILD WARRIORS NG ISIS-MAUTE SA MARAWI

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM 

ANG PAGGAMIT NG CHILD WARRIORS NG ISIS-MAUTE GROUP ANG NAGPAPAHIRAP UMANO SA MGA SUNDALO NA NAKIKIPAGBAKBAKAN SA MARAWI CITY.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI JOINT TASK FORCE MARAWI SPOKESPERSON CAPT. JOAN PETINGLAY NA BATAY SA ULAT NG MGA SUNDALO NA SUMABAK SA GIYERA SA LUNGSOD AY MARAMI NA ANIYA SILANG NAKAKASAGUPA NA MGA BATANG NASA EDAD 9 HANGGANG 14 TAONG GULANG.

AYON PA KAY PETINGLAY, UNANG LINGGO PA LANG NG BAKBAKAN, NAKALABAN NA NG MGA MILITAR ANG MGA BATANG TERORISTA NA ANIYA PA AY TALAGANG MATATAPANG AT SUMUSUGOD.

WALA NAMAN ANIYANG MAGAWA ANG MGA SUNDALO KUNDI ANG GUMANTI NG PUTOK NG BARIL.

SA NGAYON, NAGPAPATULOY ANIYA ANG PAG-ABANSE NG MILITAR SA MGA GUSALING HAWAK NG MAUTE BAGAMAT ITINUTURING NA NILA NA NASA FINAL STAGES NA ANG KANILANG OPERASYON LABAN SA MGA ITO. 

 

Read 139 times Last modified on Monday, 28 August 2017 14:46
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.