JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DPWH MAAARING MAGPUTOL O MAGTANIM NG PUNO KAHIT WALANG PERMIT MULA SA DENR

BY: FELIX TAMBONGCO

MAAARI NANG MAGPUTOL O MAGTANIM NG PUNO ANG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) KAHIT WALANG PERMISO MULA SA DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR), ITO'Y SAKALI AT GANAP NA MAISABATAS ANG HOUSE BILL 4208.

ANG PANUKALA AY APRUBADO NA SA HOUSE COMMITTEE ON NATURAL RESOURCES SA KAMARA DE REPRESENTANTES.

SA ILALIM NG HOUSE BILL 4208, NA INIHAIN NI MARIKINA REP. BAYANI FERNANDO, PINAPAYAGAN NA ANG DPWH NA MAGPUTOL, MAGBUNOT, O MAGTANIM NG PUNO HABANG NAGPAPATUPAD NG NATIONAL O LOCAL INFRASTRUCTURE PROJECT TULAD NG CLEARING NG ROAD RIGHT-OF-WAY AT SITE CLEARING.

ISINASAAD RIN SA PANUKALA NA HINDI NA KINAKAILANGAN PANG KUMUHA NG CUTTING, BALLING O PLANTING PERMIT ANG DPWH SA DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) AT MGA ATTACHED AGENCY NITO.

UNA NANG NANAWAGAN SINA HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ AT MAJORITY LEADER RODOLFO FARIÑAS SA KOMITE NA BIGYAN NG DIREKTIBA ANG DPWH AT DENR NA GUMAWA NG EXECUTIVE ARRANGEMENT NA UMPISAHAN NA ANG BALLING OUT NG MGA PUNO NA NAKAKAHARANG SA KALSADA NA KADALASANG NAGIGING SANHI NG AKSIDENTE.

GINAWA NG DALAWANG MATAAS NA LIDER NG KAMARA ANG PANAWAGAN MATAPOS ANG ISINAGAWANG INSPEKSYON SA MINDANAO NAUTICAL HIGHWAY AT NORTH LUZON HIGHWAY INSPECTION.

LUMAGDA NA RIN NG ISANG MEMORANDUM OF AGREEMEMT (MOA) ANG DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) AT ANG DENR SA PAG-AALIS NG MGA POSTE NG KURYENTE NA NAGBIBIGAY NG PANGANIB SA MGA MOTORISTA.

AYON KAY FERNANDO, ANG PAGKUHA NG TREE-CUTTING, EARTH BALLING, TRANSFER, DISPOSAL, AT PLANTING PERMITS MULA SA DENR AY NAKAKAPAGPABAGAL SA IMPLEMENTASYON NG PROYEKTO NG DPWH.

IMINUNGKAHI RIN NI FERNANDO SA DPWH NA BUMILI NG 60 BALLING MACHINE NA IPAPAMAHAGI NG TIG-5 SA BAWAT REHIYON.

Read 111 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.