JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BUDGET NG OFFICE OF THE PRESIDENT, AWTOMATIKONG AAPRUBAHAN SA PLENARYO

BY: FELIX TAMBONGCO

HINDI NA DADAAN SA MGA PAGTATANONG AT AGAD AAPRUBAHAN SA COMMITTEE LEVEL AT SA PLENARYO ANG PANUKALANG BUDGET NG OFFICE OF THE PRESIDENT PARA SA 2018 NA UMAABOT SA P6.03 BILLION, 70 PORSYENTONG MAS MABABA ITO SA KASALUKUYANG BUDGET NA P20.1 BILYON.

SA MOSYON NI ALBAY REPRESENTATIVE EDCEL LAGMAN, SA ISINAGAWANG PAGDINIG NG HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE NA PINAMUMUNUAN NI REP. CARLO ALEXEI NOGRALES SA BUDGET NG OP, AGAD NA INAPRUBAHAN NG KOMITE ANG PANUKALANG BUDGET.

AYON KAY LAGMAN, CONSISTENT SILA SA TRADISYON NA AWTOMATIKONG APRUBAHAN ANG PONDO NG OP, HINILING RIN NITO NA AGARANG APRUBAHAN ANG PANUKALA SA PLENARYO NA WALA NG PAGTATANONG.

ANG PANUKALANG P6.031 BILLION AY HAHATIIN SA PERSONNEL SERVICES (PS), P994.159 MILLION; MAINTENANCE AND OTHER OPERATING  EXPENSES (MOOE), P4.666 BILLION; AT CAPITAL OUTLAY (CO), P370.190 MILLION.

HABANG ANG MAY P15 BILYON NA NABAWAS MULA SA KASALUKUYANG BUDGET AY ILALAAN NAMAN SA GAGANAPING SUMMIT NG ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN  NATIONS (ASEAN) NA ANG PILIPINAS ANG MAGSISILBING HOST.

SAMANTALA, NAGPAABOT MAMAN NG PASASALAMAT SI EXECUTIVE SECRETARY SALVADOR MEDIALDEA SA KONGRESO SA PATULOY NA SUPORTA KAY PANGULONG RODRIGO DUTERTE.

Read 2268 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.