JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PO1 PEREDA AT PO1 CRUZ ITINANGGING SI KIAN ANG NASA CCTV

BY: JOJO SICAT

SA PAGPAPATULOY NG PAGDINIG ITINANGGI NI PO1 JEREMIAS PEREDA AT PO1 JERWIN CRUZ NA SI KIAN DELOS SANTOS ANG NAKITA SA CCTV NA KASAMA NILA.

SINABI NI CRUZ NA HINDI SI KIAN KUNDI KANILANG ASSET O INFORMER ANG KANILANG AKBAY AKBAY SA CCTV.

SA PAGTATANONG NI SENADOR BAM AQUINO HINDI AGAD NASAGOT NI CRUZ AT PEREDA KUNG ANO ANG SUOT NG KANILANG ASSET HABANG AKBAY AKBAY ITO NA TILA NAGDUDA ANG SENADOR.

INAMIN NAMAN NILA CRUZ AT PEREDA NA KASAMA NILA SI PO3 ARNEL OARES SUBALIT HINDI SINAGOT KUNG SINO ANG BUMARIL KAY KIAN SA KABILA NA LUMABAS SA SPOT REPORT NA ANG BARIL NI PO3 OARES ANG LUMALABAS NA BUMARIL KAY KIAN.

DAHILAN UPANG TAWAGIN NG MGA SENADOR ANG GUMAWA NG SPOT REPORT O ANG MGA IMBESTIGADOR NA UNANG NAG-IMBESTIGA SA BANGKAY.

ANIYA NG IMBESTIGADOR INAMIN SA KANILA NG TATLONG AKUSADO NA SILA ANG NAKABARIL KAY KIAN DAHIL BUMUNOT ITO NG BARIL AT NANLABAN SA KANILA.

TALIWAS NAMAN ITO SA NAGING PAGSUSURI NI DR. ERWIN ERFE ANG PAO FORENSIC EXPERTS NA BINARIL NG MALAPITAN AT NAKAHIGA SI KIAN.

Read 199 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.