JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PO3 OARES NILAGLAG NG OPISYAL SA PAGDINIG SA SENADO

BY: JOJO SICAT

TILA NILAGLAG NG OPISYAL ANG ISA SA AKUSADONG PULIS NA PUMASLANG KAY KIAN DELOS SANTOS SA ISANG POLICE OPERATION LABAN SA ILLEGAL DRUGS SA CALOOCAN CITY NA IKINASAWI NG BINATILYO.

SA PAGTATANONG NI POE SA TEAM LEADER NG GRUPO NA SI P/CHIEF INSP. AMOR CERILLO SINABI NITO NA BASE SA SPOT REPORT LUMALABAS NA SI PO3 ARNEL OARES ANG BUMARIL KAY KIAN.

ANIYA NAGTUTUGMA ANG BARIL NI PO3 OARES SA MGA BALA NA TUMAMA KAY KIAN.

SA PAGPAPATULOY NG PAGDINIG INAMIN NI P/ CHIEF INSP. NA WALANG NAGSASABI NASI KIAN AY DIREKTANG SANGKOT SA ILLEGAL NA DROGA.

SUBALIT BASE ANIYA SA KANILANG TACTICAL INTERROGATION SINABI NG ISANG NONGNONG NA SI KIAN ANG KANTRANSAKSYON NITO SA DROGA.

DAGDAG PA NG OPISYAL ITINURO NI NONGNONG SI KIAN MATAPOS NA IPAKITA ANG LITRATO NITO.

DISMAYADO NAMAN SI SENADOR MANNY PACQUIAO MATAPOS AMININ NI DATING NORTHERN POLICE DISTRICT (NPD) DIRECTOR P/CHIEF SUPT. ROBERTO FAJARDO NA NAKUHA LAMANG NITO SA SOCIAL MEDIA ANG NAGING PAHAYAG NITO NA RUNNER NG DROGA SI KIAN DELOS SANTOS.

ITINANGGI NAMAN NI PNP CHIEF DIRECTOR GENERAL RONALD BATO DELA ROSA NA MAY ORDER ITO KAYA SUNOD-SUNOD ANG DAMI NG BILANG NG PATAYAN LABAN SA MGA DRUG PERSONALITY NITONG MGA NAKARAANG LINGGO NA UMABOT SA 81 KATAO ANG NASAWI SA LOOB LAMANG NG DALAWANG ARAW.

Read 823 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.