JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MAYBAHAY NI CHAIRMAN BAUTISTA, HINDI PWEDENG TUMESTIGO LABAN KAY CHAIRMAN

BY: FELIX TAMBONGCO

NILINAW NI MAJORITY LEADER RODOLFO FARIÑAS NA HINDI PWEDENG TUMESTIGO SA IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY COMMISSION ON ELECTION (COMELEC) CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA ANG MAYBAHAY NITO NA SI MRS. PATRICIA BAUTISTA SAKALI AT UMISAD ANG IMPEACHMENT LABAN KAY CHAIRMAN.

AYON KAY FARIÑAS ISA ITONG NOBLE ISSUE DAHIL LABANAN SA PAGITAN NG MAG-ASAWA.

BATAY UMANO SA RULE OF COURT, MERONG MARITAL O SPOUSAL PRIVILEGE NA ANG ISANG ASAWA AY HINDI MAAARING TUMESTIGO LABAN SA KANYANG ASAWA KUNG ANG KASO AY SA PAGITAN NILANG DALAWA.

BINIGYANG DIIN ITO NI HOUSE MAJORITY LEADER RODOLFO FARIÑAS KASABAY NG PAGSASABING KAILANGANG MAY PERSONAL KNOWLEDGE ANG MGA COMPLAINANTS NA SINA DATING MINDORO REP. JACINTO PARAS AT ATTY. FERDINAND TOPACIO SA MGA KASO LABAN KAY CHAIRMAN BAUTISTA.

AMINADO NAMAN SI FARIÑAS NA HINDI PA NIYA NABABASA ANG IMPEACHMENT COMPLAINT NA ININDORSO NAMAN NINA DEPUTY SPEAKER AT CEBU REP. GWEN GARCIA,B CAVITE REP. ABRAHAM TOLENTINO AT KABAYAN REP. HARRY ROQUE.

 

Read 109 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.