JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
FAELDON BUMWELTA; PAMPI LACSON SANGKOT UMANO SA CEMENT SMUGGLING SA BANSA

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

BINUWELTAHAN NI DATING BUREAU OF CUSTOMS (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON ANG MGA AKUSASYON NI SEN. PANFILO LACSON NA SANGKOT SIYA SA 'TARA O PAYOLA' SYSTEM SA BOC.

SA ISANG PRESSCON SA TAYTAY, RIZAL NGAYONG UMAGA, SINABI NI FAELDON NA SANGKOT ANG ANAK NG SENADOR NA SI PANFILO LACSON JR. SA PAGPUPUSLIT NG ANIMNAPU’T PITONG (67) BARKO NG SEMENTO SA BANSA.

PALIWANAG NI FAELDON, JULY 12, 2016 PA NANG MAKATANGGAP SIYA NG ULAT NA MAY UNDERVALUED NA KARGAMENTO NA NAKAKAPASOK SA CUSTOMS NA NAKAPANGALAN SA KUMPANYANG PAGMAMAY-ARI UMANO NI PANFILO JR.

AYON PA SA DATING COMMISSIONER, NAIS LANG BAYARAN NG ANAK NG SENADOR ANG KALAHATI NG FREIGHT COST KAYA LUMALABAS NA ANG GAWAING ITO AY MATATAWAG NA SMUGGLING.

ANIYA, KAYA SIYA IDINIIN NI LACSON SA TARA SYSTEM SA AHENSYA AY UPANG HINDI NA NIYA MALAMAN PA KUNG ANO PA ANG UGNAYAN NG SENADOR SA SMUGGLING ACTIVITIES. 

HINDI RIN DAW MALAYONG MANGYARI NA DUMMY LANG NG SENADOR ANG KUMPANYANG NAKAPANGALAN SA KANYANG ANAK.

DAGDAG PA NI FAELDON, INIREKOMENDA NA NIYA KAY PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA IMBESTIGAHAN ANG UMANO'Y SMUGGLING ACTIVITIES NI PANFILO JR., GAYUNDIN ANG IBA PANG OPISYAL NG GOBYERNO NA SANGKOT DIN SA ANOMALYA SA BOC.

HINAMON NAMAN NI FAELDON SA SUSUNOD NA BOC COMMISSIONER NA IMBESTIHAN ITO.

 

Read 191 times Last modified on Thursday, 24 August 2017 16:31
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.