JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LACSON DADALONG MULI SA SHABU SHIPMENT HEARING SA SENADO

BY: JOJO SICAT

MATAPOS ANG DALAWANG BESES NA PAGWALK OUT AT ISANG PAGPAPALIBAN SA PAGDINIG DADALO NA SA SUSUNOD NA PAGDINIG NG BLUE RIBBON COMMITTEE SI SENADOR PANFILO LACSON.

SA PANAYAM, SINABI NI LACSON NA MATAPOS ANG KANYANG PRIVILEGE SPEECH AT MATAPOS NA MAISAPUBLIKO ANG MGA OPISYAL NG BUREAU OF CUSTOM (BOC) NA TUMATANGGAP NG TARA O PAYOLA MULI ITONG DADALO SA SUSUNOD NA PAGDINIG SA AGOSTO 29.

MAGUGUNITA NA NOONG IKA 2 PAGDINIG AY HINDI NATAWAG SI LACSON NI GORDON PARA MAKAPAGTANONG KAYA SA INIP NITO AY NAG WALK OUT ITO.

GANUN DIN SA IKATLONG PAGDINIG NA SINABI NI LACSON NA MAY ILALABAS ITONG LISTAHAN NG MGA TUMATANGGAP NG PAYOLA AT MGA BAGMAN SA BOC AY HINDI PARIN ITO NATAWAG NI GORDON NA MULING NAINIP AT NAG WALK OUT ANG SENADOR.

SA IKA 4 NA PAGDINIG NOONG AGOSTO 22 HINDI NA SUMIPOT SA PAGDINIG SI LACSON AT NAPAGDESISYUNAN NA LAMANG NITO NA ILABAS ANG MGA LISTAHAN SA KANYNAG PRIVILEGE SPEECH KAHAPON.

MAGUGUNITA NA IDINIIN NI LACSON SI DATING BOC COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT ANG ILANG MGA MATATAAS NA OPISYAL NA SANGKOT SA PAGPUSLIT NG MGA CONTAINER SA CUSTOM KAPALIT NG TARA.

ANIYA NI LACSON KITA-KITA ANG KINIKITA NG MGA TIWALING OPISYAL NG AHENSYA PARA HINDI MAKITA ANG PAGLABAS NG MGA KONTRABANDO SA CUSTOM.

BUKOD SA MGA OPISYAL NA TUMATANGGAP NG TARA PINANGALANAN DIN NI LACSON ANG 44 NA MGA PLAYERS O SMUGGLERS NG AHENSYA AT 21 COLLECTOR O BAGMAN NG BOC.

INAASAHAN NA PAGBIBIGYAN NA NI GORDON SI LACSON NA MAKAPAGTANONG SA SUSUNOD NA PAGDINIG MATAPOS NA ILABAS NITO KAHAPON ANG BULOK NA SISTEMA SA MGA ILIGAL NA AKITIBIDAD SA CUSTOM MATAPOS NA MAKAIN MISMO NG SISTEMA ANG SINIBAK NA DATING COMMISSIONER FAELDON.

 

Read 308 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.