JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SENADO, KUKUNSULTAHIN ANG PAMILYA AT SAKSI SA KIAN KILLING

BY: JOJO SICAT

SINABI NI SENADORA RISA HONTIVEROS NA KANILANG KUKUNSULTAHIN ANG PAMILYA NG NAPASLANG NG MGA PULIS NA SI KIAN DELOS SANTOS AT MAGING ANG MGA TESTIGO NITO.

ITO ANG NAGING REAKSYON NI HONTIVEROS MATAPOS ANG PAGBABANTA SA PAMILYA AT TESTIGO SA KIAN KILLING.

AYON SA SENADORA KAILANGAN ALAMIN NG SENADO MULA SA PAMILYA AT TESTIGO KUNG SAAN MAPAPANATAG AT MAGIGING LIGTAS SILA MATAPOS ANG PAGBABANTA SA KANILANG BUHAY.

HANDA ANIYA ANG SENADO NA MAGBIGAY NG PROTEKSYON PARA SA PAMILYA AT TESTIGO SA PAGPATAY NG MGA PULIS KAY KIAN.

SUBALIT AYON KAY HONTIVEROS ANG DESISYON AY NASA PAMILYA AT TESTIGO PARIN KUNG SAAN SILA MAPAPANATAG AT LIGTAS.

NAKATAKDA ANG PAGDINIG NG SENADO UKOL SA INSIDENTE SA DARATING NA HUWEBES KUNG SAAN INAASAHAN NA LALANTAD ANG ILANG TESTIGO SA PAGPASLANG SA 17 YEAR OLD NA GRADE 11 STUDENT NA SI KIAN DELOS SANTOS.

Read 279 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.