JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGKAKAPATAY KAY KIAN DELOS SANTOS PINAIIMBESTIGAHAN NA RIN SA KAMARA

BY: FELIX TAMBONGCO

PINAIIMBESTIGAHAN NG MAKABAYAN BLOC SA HOUSE COMMITTEE ON HUMAN RIGHTS NG KAMARA DE REPRESENTANTES ANG UMANOY EXTRA JUDICIAL KILLING SA WAR ON DRUGS NG PAMAHALAAN SA ISANG 17 ANYOS NA ESTUDYANTE.

SA HOUSE RESOLUTION 1209 NA INIHAIN NG MGA MILITANTENG KONGRESISTA, HINILING RIN NG MGA ITO SA KOMITE NA KONDINAHIN ANG PAGPATAY KAY KIAN LOYD DELOS SANTOS NG MGA KAGAWAD NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE NOONG AGOSTO 16, 2017.

ISINASAAD SA RESOLUSYON NA NAKAKAALARMA ANG PANIBAGONG PAGTAAS NG BILANG NG NAPAPATAY SA OPERASYON NG PULISYA LABAN SA DROGA NITONG NAKARAANG LINGGO NA UMABOT SA BILANG NA 80 SA METRO MANILA AT BULACAN.

KABILANG ANG BIKTIMANG SI DELOS SANTOS NA UMANOY NANLABAN SA PULISYA, HABANG SA ISANG KUHA NG CLOSE CIRCUIT TELEVISION (CCTV), MALINAW NA ITO AY DINALA NG DALAWANG TAO SA LUGAR NA KINATAGPUAN NG BANGKAY NG BIKTIMA.

KARAMIHAN UMANO SA MGA PAGPATAY AY NAGANAP HABANG ISINASAGAWA O MATAPOS ANG PAGSESERVE NG SEARCH O ARREST WARRANT SA ILALIM NG PROGRAMANG DOUBLE BARREL O TOKHANG.

KARAMIHAN UMANO SA MGA NAGIGING BIKTIMA AY INOSENTE O PINAGHIHINALAAN LAMANG SUBALIT NAWALAN NA NG PAGKAKATAON NA IPAGTANGGOL ANG KANILANG KARAPATANG PANTAO.

KAALINSABAY NITO, NANAWAGAN RIN ANG MAKABAYAN BLOC NA MADALIIN ANG ISINASAGAWANG IMBESTIGASYON SA PAGKAPATAY KAY DELOS SANTOS AT INGATAN ANG MGA EBIDENSYA NA MAAARING MAGING DAAN PARA MAPALUTANG ANG KATOTOHANAN.

 

Read 2576 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.