JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGDINIG SA SABWATAN NG BIR AT DELMONTE, IPAGPAPATULOY NG KAMARA

BY: FELIX TAMBONGCO

ISASALANG SA IKALAWANG PAGKAKATAON SA PAGDINIG NG HOUSE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS NGAYONG ARAW NA ITO ANG 2 RESOLUSYON NA HUMIHILING NA IMBESTIHAHAN ANG UMANO’Y SABWATAN NG ILANG OPISYAL NG BUREAU OF INTERNAL REVENUE (BIR) AT NG DEL MONTE PHILIPPINES INC.

SA HOUSE RESOLUTION 1145 AT 1162 NA INAKDA NI REPRESENTATIVE NOEL VILLANUEVA, HINILING NITO SA KOMITE ANG PAGSASAGAWA NG IMBESTIGASYON SA UMANO’Y IREGULARIDAD SA TAX ASSESSMENT NG BIR.

SA INISYAL NA PAGDINIG NG WAYS AND MEANS COMMITTEE CHAIRMAN REP. DAKILA CUA, LUMILITAW NA MAY TAX LIABILITIES ANG DEL MONTE PHILIPPINES INC. NA NAGKAKAHALAGA NG MAY P29 BILYON NA SUMASAKLAW SA TAONG 2011 HANGGANG 2013.

SUBALIT, PINAGBAYAD LAMANG UMANO NG BIR ANG DEL MONTE NG HALAGANG P65.4 MILYON.

UNA NG NAGHAIN NG PLUNDER CASE SA OMBUDSMAN ANG TAXPAYER NA SI DANILO LIHAY LABAN KINA COMMISSIONER CAESAR R. DULAY AT SA 17 BIR EXECUTIVES KABILANG ANG CHIEF OF STAFF NI DULAY NA SI GAUDENCIO MENDOZA JR.

DAHIL SA ISINAMPANG PLUNDER CASE, NAG-ISYU SI DEPUTY COMMISSIONER JESUS CLINT O. ARANAS NG  SHOW-CAUSE ORDERS SA 12 REVENUE PERSONNEL, NA SINA OFELIA YUMANG, RUBY VILLANUEVA, FATIMA SARROSA, EXZAIDA COMENTAN, LOURDES LIWANAG, BELINDA BALAGTAS, AMELIA MOLINOS, NOEMI CASTRO, CHERYL ANN ADAPON, RAMONCITO ONA, EDRALIN SILARIO AT CATALINA BENEDICTO.

ISANG LIHAM RIN ANG IPINADALA NG TAX INFORMERS NETWORK KAY PANGULONG DUTERTE NA HUMIHILING NA PÀRUSAHAN SA KASONG PLUNDER AT CONSPIRACY SINA DULAY AT IBA PANG OPISYAL NG BIR.

MAGING SI HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ AY NANINIWALANG POSIBLENG MAY KASABWAT PANG IBANG OPISYAL NG GOBYERNO SINA COMMISSIONER CUA SA GINAWANG PAGPABOR NG MGA ITO SA DEL MONTE PHILIPPINES.

Read 159 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.