JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LITRATO NILA PAOLO DUTERTE AT COUNCILOR ABELLERA IPINAKITA SA SENADO

BY: JOJO SICAT

IPINAKITA SA PAGDINIG SA SENADO ANG MGA ILANG KUHA NG LITRATO NI DAVAO VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT SINASABING MIYEMBRO NG DAVAO GROUP SA CUSTOM NA SI DAVAO COUNCILLOR NILO SMALL ABELLERA JR.

SINABI NI TRILLANES SA PAGDINIG NA ANG MGA NATURANG LITRATO AY MAGPAPATUNAY KUNG GAANO KA-CLOSE SINA VM DUTERTE AT COUNCILOR ABELLERA.

SI ABELLERA AY ITINURO NI MARK RUBEN TAGUBA II NA UMANO’Y ISANG SMALL NG DAVAO GROUP NA INAABUTAN NITO NG TARA SA CUSTOM BUKOD PA SA ISANG TITA NANI AT JACK.

ITINANGGI NAMAN NI ATTY. MANDY ANDERSON NA TAGA CUSTOM ANG ISANG JOJO BACUD NA BINIBIGYAN NG LAGAY NI TAGUBA PARA MAILABAS ANG CONTAINER.

SA PAGDINIG SINABI NI TAGUBA NA NAGBIBIGAY ITO NG P5,000 KADA CONTAINER KAY JOJO AT ITO AY INAABOT TUWING BIYERNES.

SINABI RIN NI TAGUBA NA MINSAN NAHIRAPAN SI JOJO NA ILABAS ANG ISANG CONTAINER AT DOON IPINAKILALA NI JOJO ITO KAY SMALL ABELLERA AT TITA NANI NA DAVAO GROUP NA MALAKAS KAY VM DUTERTE.

SA NATURANG PAGDINIG INILABAS DIN NI TRILLANES ANG LITRATO NI ABELLERA NA KINUMPIRMA NAMAN TAGUBA.

SINABI NI TAGUBA HININGIAN ITO NI TITA NANI NG P5 MILYON NA ENROLLMENT FEE.

DOON AY NAGTUNGO ITO SA DAVAO AT NAGKITA SILA NI SMALL ABELLERA NA INABOT ANG P5 MILYON KUNG SAAN SINABIHAN ITO NA MAGBIGAY ITO NG TARA EVERY FRIDAY SA ISANG JACK NA P10,000 PER CONTAINER.

SINABI NI TAGUBA NA MATAPOS ANG PAGBIBIGAY NG TARA SA DAVAO GROUP WALA NA ITONG NAGING PROBLEMA SA MGA SHIPMENT NITO.

SUBALIT MATAPOS ANG TATLONG BUWAN MULI ITONG NAGKAPROBLEMA SA KANYANG SHIPMENT AT NAALERTO ITO.

MULI ITONG HUMARAP KAY TITA NANI AT NAPAG-ALAMAN NA HINDI NAKAKARATING ANG TARA NA INIAABOT NITO KAY JACK AT SMALL.

MATAPOS NITO MULING IPINAKILALA ITO NI TITA NANI SA GRUPO NILA BIG BROTHER CORNEL CAPUYAN AT ISANG RUEL PARA AYUSIN ANG PROBLEMA NITO SA SHIPMENT.

Read 376 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.