JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SENADO HINDI PUMAPATOL SA HEARSAY – GORDON

BY: JOJO SICAT

DIRETSAHANG SINABI NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN RICHARD GORDON NA HINDI BASTA BASTA PUMAPATOL ANG SENADO SA MGA HEARSAY O SABI SABI LAMANG.

ITO ANG NAGING REAKSYON NI GORDON SA ALEGASYON NA ISINASANGKOT ANG PRESIDENTIAL SON AT DAVAO VICE MAYOR PAOLO DUTERTE SA PAGPAPALUSOT SA CUSTOM NG P6.4 BILYON SHABU SHIPMENT NA NAKUMPISKA SA ISANG WAREHOUSE SA VALENZUELA CITY NA PAG- AARI NG HONG FEI PHILIPPINES NI RICHARD TAN O RICHARD CHEN.

SA PANAYAM SINABI NI GORDON NA LUMABAS SA PAGDINIG SA SENADO KAHAPON NA MALINAW NA INAMIN NI CUSTOM BROKER MARK RUBEN TAGUBA II NA HEARSAY O SABI SABI LAMANG ANG KANYANG GINAWANG PAG-AMIN NOON SA HOUSE NA IDINADAWIT ANG PRESIDENTIAL SON.

SINABI KASI SA PAGDINIG NI TAGUBA NA HINDI NITO PERSONAL NA NALAMAN ANG AKUSASYON KUNDI NABANGGIT LAMANG SA KANYA NG DAVAO GROUP NA ALYAS TITA NANI AT ISANG ALYAS JOJO NA TAGA CUSTOM.

ANIYA NI GORDON HINDI NILA MAARING PATULAN ANG HEARSAY O SABI SABI LAMANG DAHIL MALALAGAY SA KAHIHIYAN ANG INSTITUSYON.

DAHIL DITO SINABI NI GORDON NA MALABO NA NILANG IMBITAHAN SI VM DUTERTE SA PAGDINIG NG SENADO HANGGAT WALANG MALINAW NA MAG UUGNAY DITO.

MAGING ANG SINASABING MIDDLEMAN SA NATURANG SHABU SHIPMENT NA MAY NAGLABASANG LITRATO NILA NI VM DUTERTE AY ITINANGGI NA CLOSE SILA NG BISE ALKALDE.

ANIYA MAHILIG LAMANG ITO NA MAGPAKUHA NG LITRATO SA MGA PROMINENTENG MGA TAO.

 

 

Read 1095 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.