JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
2 TRABAHADOR SA PAMPANGA, NAG-NEGATIBO SA BIRD FLU VIRUS AYON SA DOH 

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NEGATIBO SA BIRD OR AVIAN FLU ANG DALAWANG TRABAHADOR NG POULTRY FARMS SA SAN LUIS, PAMPANGA NA NAKITAAN NG ILANG MGA SINTOMAS NG VIRUS.

SA PANAYAM SA DZRJ INSIDER EXCLUSIVE KAPIHAN KANINANG UMAGA, SINABI NI DEPARTMENT OF HEALTH O DOH SPOKESMAN ASEC. ERIC TAYAG, NA DAHIL SA NAGNEGATIBO ANG DALAWANG TRABAHADOR SA AVIAN FLU AY TINANGGAL NA SILA SA ISOLATION AREA. 

PAUUWIIN NA RIN SA KANILANG MGA TAHANAN ANG MGA ITO PARA MAGPAGALING. 

SAMANTALA, AYON KAY TAYAG AY NAGPADALA NA RIN NG ISA PANG TEAM ANG DOH PARA MAGSAGAWA NG TESTS SA IBA PANG MGA TRABAHADOR NG MGA POULTRY FARMS SA LUGAR. 

PALIWANAG NI TAYAG, ITO AY UPANG TULUYAN NANG MAPAWI ANG PANGAMBA HINGGIL SA PAGKALAT NG BIRD FLU SA REHIYON.

TULOY-TULOY RIN ANIYA ANG CULLING O PAGPATAY SA MGA MANOK AT IBA PANG IBON NA APEKTADO NG NATURANG VIRUS. 

Read 577 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.