JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LTFRB, DUMIPENSA SA PAGSUSUSPINDE SA UBER

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

DINEPENSAHAN NG LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD (LTFRB) ANG PAGPAPATAW NG ISANG BUWANG SUSPENSYON SA OPERASYON NG TRANSPORT NETWORK COMPANY O TNC UBER SYSTEM INC. (UBER).

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI LTFRB BOARD MEMBER AND SPOKESPERSON ATTY. AILEEN LIZADA ANG DESISYON NILA AY BASE NA RIN SA UMANO'Y LANTARANG PAGLABAG NG UBER SA UMIIRAL NA BATAS AT PANUNTUNAN SA PUBLIC TRANSPORTATION.

LUMABAS ANIYA KASI SA KANILANG IMBESTIGASYON NA MULA NOONG INILABAS ANG KAUTUSAN NG AHENSYA NOONG HULYO 26 NA HINDI MUNA TUMANGGAP NG MGA BAGONG APLIKASYON AY PATULOY PA RIN ANG KANILANG PAGKUHA NG BAGONG APLIKANTE.

HINDI RIN UMANO MAAARING PALUSUTIN ANG IDINAHILAN NG UBER NA KAHIT ANG MGA KOLORUM NILANG UNITS AY MAY INSURANCE PARA SA MGA PASAHERO DAHIL NAGBIBIGAY NG MALING MENSAHE NA “OKAY” LANG LUMABAG SA BATAS BASTA MAY INSURANCE.

BATID UMANO NG LTFRB ANG MGA NEGATIBONG REAKSYON NG PUBLIKO HINGGIL SA NATURANG DESISYON PERO GIIT NI LIZADA, KAILANGAN NILANG IPATUPAD ANG BATAS. 

SAMANTALA, NAKATAKDA NAMANG IPATAWAG BUKAS NI SENADOR GRACE POE ANG PAMUNUAN NG LTFRB UPANG PAGPALIWANAGIN HINGGIL SA NATURANG DESISYON. 

 

 

Read 266 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.