JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LUZON DEVELOPMENT BANK GIGISAHIN SA SENADO

BY: JOJO SICAT

POSIBLENG GISAHIN SA PAGDINIG SA SENADO ANG LUZON DEVELOPMENT BANK KAUGNAY SA SINASABING DEPOSITO NI COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA.

AYON KAY SENADOR FRANCIS CHIZ ESCUDERO ANG CHAIRMAN NG SENATE COMMITTEE ON BANKS MARAMING DAPAT NA IPALIWANAG ANG PAMUNUAN NG LUZON DEVELOPMENT BANK.

ANI NI ESCUDERO KUNG TOTOO ANG MGA ALEGASYON NI GINANG PATRICIA BAUTISTA, LUMILITAW NA MAY MGA REGULASYON ANG BANGKO SENTRAL AT MAGING ANG ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL ANG NILABAG NG LUZON DEVELOPMENT BANK.

UNA NA RITO ANYA ANG KNOW YOUR CLIENT RULE KUNG SAAN DAPAT AY MAYROONG MGA PAGSUSURI SA KANILANG MGA DEPOSITOR LALO NA KUNG ITO AY MAITUTURING NA POLITICALLY EXPOSED PERSON TULAD NI BAUTISTA.

SINABI NI ESCUDERO NA KUNG TOTOO ANG MGA PARATANG, DAPAT INALAM NG BANGKO KUNG SAAN NAG MULA ANG PERA NG IDINEPOSITO NG OPISYAL AT DAPAT ITONG IPINAALAM SA BSP O AMLC.

IPINALIWANAG NG SENADOR NA KAHIT MABABA SA LIMANDAANG LIBONG PISO ANG DEPOSITO PERO HALOS ARAW ARAW NAMAN ITONG GINAGAWA AY DAPAT NA IPINAALAM AGAD ITO SA BSP.

NAGTATAKA RIN SI ESCUDERO KUNG BAKIT PINAYAGAN ANG TATLUMPUNG BANK ACCOUNTS NI BAUTISTA.

Read 623 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.