JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SEN. BINAY NANAWAGAN SA DTI

BY: JOJO SICAT

NANAWAGAN SI SENADOR NANCY BINAY SA DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) NA PAIGTINGIN ANG MONITORING SA MGA PALENGKE AT IBA PANG DISTRIBUTION SITES NG MGA MANOK AT IBA PANG POULTRY PRODUCTS SA BANSA.

NAIS NI BINAY NA MATIYAK SA KALIDAD NG MGA IBINEBENTANG PRODUKTO SA MERKADO KASUNOD NA RIN NG ULAT NG BIRD FLU OUTBREAK SA LALAWIGAN NG PAMPANGA.

KASABAY NITO, IGINIIT NG MAMBABATAS NA DAPAT DING BANTAYAN NG DTI ANG PRESYO NG IBA’T IBANG PRODUKTO UPANG HINDI MASAMANTALA NG MGA ABUSADONG NEGOSYANTE ANG SITWASYON.

HINIKAYAT  DIN NG SENADORA ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA) AT DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) NA PAIGTINGIN ANG INFORMATION CAMPAIGN KAUGNAY SA NATURANG VIRUS UPANG MAIWASANG KUMALAT PA ITO MAGING SA MGA TAO.

DAPAT ANYANG MAYROONG 24/7 NA MONITORING SA MGA NAAPEKTUHANG LUGAR PARTIKULAR NA SA LALAWIGAN NG PAMPANGA.

IGINIIT PA NI BINAY ANG PAGTULONG SA MGA NAAPEKTUHAN NG OUTBREAK UPANG MATIYAK NA MAIBABANGON PA NILA ANG KANILANG KABUHAYAN.

Read 150 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.