JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
JV EJERCITO, IKINATUWA ANG PAGKAKA-ABSWELTO SA KAN’YA NG SANDIGANBAYAN

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

IKINATUWA NI SENATOR JV EJERCITO ANG PAG-AABSWELTO SA KANIYA NG SANDIGANBAYAN SA KASONG TECHNICAL MALVERSATION.

AYON KAY EJERCITO, PATUNAY LAMANG ANIYA ITO NA SIYA INOSENTE SA MGA AKUSASYONG IBINABATO LABAN SA KANYA.

LABIS DIN ANG PAPASALAMAT SI EJERCITO SA HUWES NG SANDIGANBAYAN SA PAGIGING TAPAT SA PAGTUPAD NG KANILANG TUNGKULIN.

ANI EJERCITO, PATAS PA RIN ANG JUDICIAL SYSTEM SA BANSA.

BATAY SA NAGING DESISYON NG ANTI-GRAFT COURT, NABIGO ANG PROSEKYUSYON NA PATUNAYANG NAGING ILEGAL ANG PAGGAMIT NI EJERCITO SA 2.1 MILLION PESOS CALAMITY FUNDS SA PAGBILI NG SAMPUNG HIGH-POWERED FIREARMS PARA SA SAN JUAN POLICE NOONG MAYOR PA ITO NG SAN JUAN.

MALIBAN KAY EJERCITO, INABSWELTO RIN NG SANDIGANBAYAN ANG MGA KAPWA AKUSADO NITO NA SINA DATING VICE MAYOR FRANCISCO ZAMORA, DATING SAN JUAN CITY COUNCILORS ANGELINO MENDOZA, ROLANDO BERNARDO, ANDONI CARBALLO, VINCENT PACHECO, DANTE SANTIAGO, GRACE PARDINES, DOMINGO SESE, FRANCIS PERALTA, EDGARDO SORIANO, JANNAH EJERCITO-SURLA, RAMON NAKPIL AT JOSEPH CHRISTOPHER.

“LET IT BE STRESSED THAT THIS VERDICT OF ACQUITTAL IS BASED ON THE FAILURE OF THE PROSECUTION TO PRESENT PROOF BEYOND REASONABLE DOUBT THAT THE ACCUSED INDEED USED THE 2008 CALAMITY FUND OF SAN JUAN CITY IN THE PROCUREMENT AND PAYMENT OF THE SUBJECT FIREARMS,” SAAD SA RESOLUSYON.

NANGAKO NAMAN SI EJERCITO NA MAGPAPATULOY ANG KANYANG TRABAHO AT DEDIKASYON NA MAPABUTI PA ANG TRANSPORTASYON, PABAHAY, PROGRAMANG PANG-KALUSUGAN AT EDUKASYON SA BANSA.

"AT THE MOMENT, I AM JUST GRATEFUL THAT MY NAME HAS BEEN CLEARED AND REDEEMED FROM CHARGES. REST ASSURED THAT I WILL CONTINUE TO DEVOTE MY TIME AND ENERGY AS SENATE OF THE REPUBLIC ON THE IMPROVEMENT OF PUBLIC TRANSPORTATION, HOUSING, HEALTH, YOUTH EMPOWERMENT, AND EDUCATION." PAHAYAG NI EJERCITO.

Read 622 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.