JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
CONDITIONAL CASH TRANSFER PROGRAM PINA-AABOLISH NA NG MAMBABATAS

BY: FELIX TAMBONGCO

MULING NANAWAGAN, ANG MAKABAYAN BLOC SA PAMAHALAAN NA I-ABOLISH NA LAMANG ANG CONDITIONAL CASH TRANSFER PROGRAM (CCTP) O ANG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4PS) DAHIL HINDI NAMAN UMANO EPEKTIBO ANG NATURANG PROGRAMA.

AYON KAY ACT PARTYLIST REPRESENTATIVE ANTONIO TINIO, HALOS ISANG DEKADA NA MULA NG IPATUPAD ANG NATURANG PROGRAMA SUBALIT HINDI MALAMAN KUNG GAANO NA KARAMI ANG NAITAWID SA KAHIRAPAN.

BILYUN-BILYON UMANO ANG NILALAAN NG GOBYERNO SA PROGRAMA NA HINDI NAMAN EPEKTIBO AT GINAGAWANG PALAASA NA LAMANG ANG MGA MAHIHIRAP.

SINABI PA NG MAMBABATAS NA GUMAGASTOS ANG GOBYERNO NG P1.1 BILLION KADA TAON SA ADMINISTRATIVE COST PARA LAMANG SA IMPLEMENTASYON NG  CCT.

AYON PA KAY TINIO, ITO RIN ANG DAHILAN KUNG BAKIT MASYADONG MALAKI ANG NAGAGASTOS SA CCT NA DAPAT SANA AY ILAAN NAMAN PARA SA PROGRAMA PARA SA MGA MATATANDA, MAY KAPANSANAN AT MGA BATA.

NAGIGING PANGUNAHING TRABAHO NA RIN UMANO NG DSWD ANG PANGANGASIWA SA CASH TRANSFER SA HALIP NA ANG PANGUNAHING MAPAGTUUNAN AY ANG MANDATO NG AHENSYA.

Read 350 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.