JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
NSC HINDI PA KAILANGANG MAGPULONG RE: BANTANG PAG-ATAKE NG NOKOR SA GUAM AYON KAY EX-SECURITY ADVISER GOLEZ

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

HINDI PA KAILANGANG PULUNGIN NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG NATIONAL SECURITY COUNCIL O NSC HINGGIL SA BANTA NG NORTH KOREA NA MAGSAGAWA NG MISSILE ATTACK SA GUAM.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DATING NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ NA SA NGAYON AY WALA PANG DAHILAN PARA GAWIN ITO AT MAGDUDULOT LAMANG ITO NG PANGAMBA SA PUBLIKO.

AYON PA KAY GOLEZ, MAS MAINAM NA MAKIPAG-UGNAYAN LAMANG MUNA ANG MGA OPISINA NG DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE, DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS AT NATIONAL SECURITY COUNCIL SA KANILANG COUNTERPARTS SA AMERIKA, SOUTH KOREA, AT JAPAN NA TIYAK ANIYA NA SUMUSUBAYBAY SA MGA KAGANAPAN SA NORTH KOREA.

SA KABILA NITO, HINDI NAMAN ISINASANTABI NI GOLEZ ANG BANTA NA ITO NG NORTH KOREA KASUNOD NA RIN NG ASSESSMENT NG  US CENTRAL INTELLIGENCE AGENCY O CIA AT  OFFICE OF THE DIRECTOR OF NATIONAL INTELLIGENCE O DNI NA MAY KAKAYAHAN ITO NA MAG-ARMAS NG NUCLEAR WARHEADS.

GAYUNMAN, HINDI NAMAN TIYAK KUNG KUNG GAANO KARAMI ANG MINIATURIZED WARHEADS NG NORTH KOREA  NA MAAARING IKABIT SA MGA MISSILE, GAYUNDIN ANG DELIVERY CAPABILITY NG MGA ITO.

ANG GUAM AY MATATAGPUAN SA PAGITAN NG KOREAN PENINSULA AT SOUTH CHINA SEA KUNG SAAN NANINIRAHAN ANG  HALOS NASA 60,000 PILIPINO AT 6,000 US TROOPS.

Read 449 times Last modified on Saturday, 12 August 2017 10:27
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.