JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
IMBESTIGASYON NG KAMARA SA ISYU NG CHAIRMAN NG COMELEC HINDI NA KAILANGAN, AYON SA LIDER NG KAMARA

BY: FELIX TAMBONGCO

HINDI NA KAILANGAN NA MAGSAGAWA NG IMBESTIGASYON ANG KAMARA DE REPRESENTANTES SA UMANO’Y P1-BILLION UNEXPLAINED WEALTH NG COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) COMMISSIONER ANDRES BAUTISTA.

AYON KAY HOUSE MAJORITY FLOOR LEADER AT ILOCOS NORTE REP. RODOLFO “RUDY” FARIÑAS, POINTLESS ANG MUNGKAHI NI KABAYAN PARTYLIST REP. HARRY ROQUE NA IMBESTIGAHAN ANG NATURANG USAPIN.

ANUMANG IMBESTIGASYON UMANO SA IMPEACHABLE OFFICIAL KINAKAILANGANG DUMAAN SA IMPEACHMENT, DAHIL ANG ANUMANG IMBESTIGASYON LABAS NITO AY WALANG SAYSAY AT REDUNDANT LAMANG.

KUNG SAPAT ANG GROUND LABAN SA ISANG OPISYAL, MAAARING ITULOY ANG IMPEACHMENT PROCEEDINGS SA PAMAMAGITAN NG JUSTICE COMMITTEE.

UNA NG NAGHAIN SI ROQUE NG HR NO. 1171 NA HUMIHILING SA HOUSE COMMITTEE ON SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORM AT GOOD GOVERNMENT NA IMBESTIGAHAN SI COMMISSIONER BAUTISTA DAHIL NAKATAYA RITO ANG INTEGRIDAD NG 2016 ELECTION.

SA REBELASYON NI PATRICIA PAZ, MAY HINDI MAIPALIWANAG NA KAYAMANAN SI ANDRES BAUTISTA NA P1 BILYON ASSETS AT PROPERTIES, KABILANG ANG 35 LUZON DEVELOPMENT BANK (LDB) PASSBOOKS NA MAY TOTAL BALANCE NA P329, 220, 962.00; ANG NOVOTEL BUSINESS HOTEL SA ARANETA CENTER.

KABILANG PA ANG KOMISYON NA UMANO’Y TINANGGAP MULA SA DIVINA LAW OFFICES, COUNSEL NG VENEZUELAN ELECTION TECHNOLOGY SUPPLIER, SMARTMATIC SA PAGPASOK SA MULTI BILYONG KONTRATA PARA SA AUTOMATED ELECTION NOONG 2016

Read 3094 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.