JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BAM, PABOR SA SENATE INVESTIGATION VS CHAIRMAN BAUTISTA

BY: JOJO SICAT

PABOR SI LIBERAL PARTY SENATOR BAM AQUINO SA RESOLUSYON NA INIHAIN NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III, NA IMBESTIGAHAN NG SENADO ANG ALEGASYON NA P1 BILYON NA HIDDEN WEALTH NI COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA.

SA PANAYAM, SINABI NI AQUINO NA DAPAT MALAMAN NG PUBLIKO O NG SENADO ANG UMANO'Y DAANG MILYON PISONG ACCOUNT NITO SA ILANG BANGKO AT MAGING DOLLAR DEPOSIT NITO.

ANIYA DAPAT NA MASAGOT NI BAUTISTA ANG MGA ALEGASYON LABAN SA KANYA NA IBINULGAR MISMO NG KAN’YANG ASAWA.

AMINADO SI BAM NA AWAY MAG-ASAWA LAMANG ITO SUBALIT IBA NA ANG KWENTO KAPAG PUBLIC OFFICIALS ANG INVOLVED NA KARAPATAN NG PUBLIKO NA MALAMAN KUNG SAAN NANGGALING ANG YAMAN NG COMELEC CHAIRMAN.

UMAASA SI SENADOR AQUINO NA HINDI MAAPEKTUHAN ANG KREDIBILIDAD NOONG NAKARAANG HALALAN NA NAKAKUHA NG MATAAS NA TRUST RATING KUMPARA SA MGA NAKARAANG ELEKSYON.

 

Read 155 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.